Home News National PanlÔlÔkÔ ni Francis Leo Marcos, Ibinµlgar ng dati nyang kaibigan

PanlÔlÔkÔ ni Francis Leo Marcos, Ibinµlgar ng dati nyang kaibigan

30
0

“Tatay Digong, tulungan mo po kaming mga biktima ni Norman Mangusin na nagtatago sa kanyang mga supporter na OFW na hanggang ngayon ay nabibilog ang kanilang mga ulo,” sabi ni Faustino.

“Ginamit po ang pangalan niyo ni Norman Mangusin at sinasabi na tuwang tuwa daw po kayo sa kanya at tinutulungan niyo daw po siya na maayos ang kanyang mga kaso,” dagdag niya pa.

Lumitaw ang isang babae na diumano’y naging matalik na kaibigan ng nagpakilalang negosyante at pilantropo na si Francis Leo Marcos (FLM).

Sa isang press conference, sinabi ni Mary Ann Faustino o mas kilala ngayon sa internet bilang “Nanay Mary Ann” ang diumano’y ginawang pananamantala ni FLM sa mga mahihirap sa pamamagitan ng kanyang “Mayaman Challenge”.

Matatandaan na sumikat sa social media si FLM dahil sa kanyang challenge kung saan ay hinahamon niya ang mayayaman at mga netizens na gayahin ang ginagawa niyang pagtulong, katulad ng pamimigay ng sako sakong bigas sa mahihirap.

Ngunit ayon kay Faustino, hindi naman daw bukal sa puso ni FLM ang pamimigay nito ng bigas dahil gusto lamang daw nitong makapanloko ng tao.

Humingi din ito ng tulong sa administrasyon upang maresolba ang kanilang problema kay FLM, dahil milyon milyong piso daw ang nakukulimbat ng internet celebrity sa mga OFW.

May mga pera din daw si Faustino na naitakbo ni FLM dahil sa lubos na pagtitiwala niya dito na maayos ang kaso niya sa tulong ng isang nagngangalang “Esther” na malapit daw kay Tatay Digong.

“Ang na scam sakin ay pagmamahal, emosyon na ngayon ay ginagawa niya,” kwento ni Faustino na nakuhanan din daw ng nagkakahalagang 2.3-M ni FLM.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

“1 YEAR NA AKONG NAKASUBAYBAY SA ISYUNG IYAN: ANG BABAENG IYAN ANG NANG-SCAM SA BOSS NIYANG SI FRANCIS LEO MARCOS. Palabas lang at pagtatakip sa sarili ang lahat ng mga ginagawa niya sa social media. Di ba ninyo napansin ang idenedemanda ng babaeng iyan ay ibang tao? Bakit takot niyang idemanda mismo ang sinasabi niyang Francis Leo Marcos or Antonio Mangusin? Isip-isip lang with common sense pag may time.”

“Naka kulong na yong tao….. pilit mong inaapakan. Yong mga OFWS na tumutulong kusang loob yon….. ang taong naka kulong kung walang nagawang mabuti sa taong BAYAN ang lahat ng supporters nya titigil na….. pero kabaliktaran mas lalo dumami ang nag SYMPATHY dahil lahat ng paninira ng mga taong gusto syang ibagsar kahit kita na nilang dapang dapa nayong tao, tahimik sya. Noong unang lumabas sa SocMed si FLM hindi ka kasama kaya, walang maniniwala sayo. Sa KORTE mo dalhin….. kung makikita mo ang COMMENTS against you mang liliit ka. May staff ng malacañyang na nag comment na Ikaw ang nag issue ng CHECK na talbog.

Ang assessment ko sayo Ikaw ang may problema na pinag tatakpan para mag mukhang malinis sa publiko. Pero the truth kabaliktaran ang sinasabi mo. Sabi mo Ikaw ang tumutulong dahil nasa kulongan na si FLM SCAMER???

Bakit kailangan na sya ang mag issue ng CHECK sa mga KALABASA na ipinamimigay mo, kung ipinag patuloy mo ang pag tulong sa tao Kc nasa loob na sya ng kulongan??? Panuorin mo video mo ALE…… hindi consistent ang sinasabi mo. Sabi mo kaya ka tumulong dahil pinangakoan kang Nababayaran ka ng triple. Kung mabuti kang tao At gustong mong tumulong bakit kailangan mong mag pabayad ng double???”

“Hahahaha ayan Na manong boy mejorada Ari Na nag gwa Na, kaya ako nong ka ako nag pa padala sa kanya kahît noon Na namimigay daw ng bigas ayaw Ko talaga mag subscribe sa kanya mag salita palang hambog Na. Thank God if you know the truth God will set you free.”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here