Home News National Pangulong Duterte Saludo sa mga nagsulputang community pantry sa bansa

Pangulong Duterte Saludo sa mga nagsulputang community pantry sa bansa

36
0

Welcome kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsulputang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng red tagging issue sa mga nag-oorganisa ng community pantry.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyakin lamang na nasusunod ang health protocols sa mga community pantry para masiguro na hindi magkakahaawan ng COVID-19.

“Well, nagsalita na po ang.. tayo bilang tagapagsalita ng Presidente na itong mga community pantries exemplify the best of [garbled] at sinusugan din po ni DILG Secretary Año na nagsalita ngayon lamang na sinasabi na wala po siyang kautusan sa kapulisan na manghimasok sa operasyon ng mga community pantries,” pahayag ni Roque.

“So kami po ay ginagalang natin ang bayanihan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng ating community pantries at ang ating interes lamang ay mapatupad po ang minimum health standards diyan sa mga community pantries na iyan,” dagdag ng kalihim.

Ayon kay Roque, ipinakikita ng taong bayan ang diwa ng bayanihan habang hinaharap ang pandemya sa COVID-19.

“Pero sa panig po ng Presidente, sa panig ng DILG malinaw po – ini-encourage po natin at binibigyang-puri natin ang mga mamamayan natin na sumasapi diyan sa community pantries,” pahayag ni Roque.

Samantala ayon sa DILG ang ga organizer ng community pantry, dapat may permit sa barangay

Dapat mag-apply ng permit sa barangay ang mga organizer ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa, ayon sa opisyal ng Department of the Interior and Local Government ngayong araw.

Ito ay para masiguro ang nasusunod ang health protocols at maayos na maipatutupad ang physical distancing, ayon kay Martin Diño, DILG undersecretary for Barangay Affairs.

“I think now they need a permit from the mayor or the barangay,” aniya sa ANC’s Headstart.

“Nung time na may disaster wala pa tayong pandemic, COVID at pwede pumila at magpalitan ng mukha ang ating beneficiaries. Ngayon meron tayong protocol na sinusunod, social distancing. Kaya lahat ng nagdodonate ngayon kino-course through natin sa proper authority.”

Nang tanungin si Diño hinggil sa red-tagging sa mga organizer ng community pantry, sinabi niyang dapat managot ang mga lokal na opisyal kung may paglabag sa health protocols.

“Ang first concern, lalo ng barangay, pwedeng makasuhan si kapitan kapag nagkaroon ng mass gathering,” aniya.

“Siguro ang pinakamagandang gawin dyan coordinate with your barangay para may nagbabantay doon sa pantry niyo, para merong titingin kung nasusunod ang protocol on the social distancing. Maganda yan kaya lang wag sana maging simula ng pagkahawa-hawa.”

Ito naman ang mga iba’t ibang lugar na nagkaroon ng community pantry:

Community Pantry sa Intramuros, Manila.

TINGNAN: Barangay San Andres, Bacarra, Ilocos Norte nakiisa sa paglalagay ng Community Pantry sa kanilang lugar.

TINGNAN: Naglagay rin ng Community Pantry ang Judge Jimenez sa tabi ng K3rd St, Kamuning, Quezon City.

TINGNAN: Community pantry para sa mga residenteng nangangailangan ang binuksan kahapon sa Famy, Laguna sa pangunguna ng SK Federation.

TINGNAN: Ibinahagi ni Millette Perez Robles sa kaniyang FB post ang itinayong Community Pantry sa kanilang lugar sa VP Cruz Street Lower Bicutan, Taguig City.

TINGNAN: Nakiisa sa paglalagay ng Community Pantry ang Zone 4 Pasil-Bonbon Road, Cagayan de Oro City na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

TINGNAN | Nakiisa rin ang Alabang, Muntinlupa City sa pagkakaroon ng community pantry na binuksan sa kanilang lungsod sa harapan ng San Roque Church.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here