Home News Pamilya ng Missing OFW sa Qatar, Nanawagan ng tulong

Pamilya ng Missing OFW sa Qatar, Nanawagan ng tulong

224
0

Ang pamilya ng isang Overseas Filipino Worker sa Qatar ay humihingi ng tulong matapos nilang malaman na ang OFW ay ginagawang masama ng kanyang amo at nawala sa loob ng ilang araw.

Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Koronadal ang pamilya ng isang missing na OFW sa bansang Qatar matapos maging biktima ng maltreatment ng kanyang amo.

Ito ang kinumpirma ni Christian Carl Tandog, kasintahan ng OFW na si Marites Bolano Batobalonos, na residente ng Cotabato City sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Tandog natapos na ang kontrata ni Marites sa kanyang employer noong buwan pa ng Pebrero ngunit na extend ito dahil hindi pa ito nabilhan ng ticket ng kanyang amo.

Maliban pa sa ginagawa ng kanyang employer sa kanya, kulang pa ang ibinibigay na sahod sa kanya at ito rin ang rason na nagtataka na ang pamilya ni Marites dito sa Pilipinas.

Maliban sa pangyayari, nagkaroon din ng argumento si Marites at ang kanyang amo.

Tumawag umano ng mga pulis ang amo nito at inireport siya upang dalhin sa police station ngunit hindi na nakita pa si Marites at nawawala sa loob na ng 5 araw.

Sa ngayon humihingi ng tulong ang pamilya ni Marites para mabilis na malocate at mapauwi dito sa bansa ang nasabing OFW.

Previous articlePanoorin: Makapigil hininga Pagtawid sa tulay ng isang babae na may bitbit pang isang bata.
Next article6-anyos na Bata sa Cebu, mula sa Malusog Noon, Naging Buto’t balat na ngayon