Home News National Pagdis-Qualify ng Makabayan Bloc sa COMELEC, Ikakasa na ng Duterte Administrasyon

Pagdis-Qualify ng Makabayan Bloc sa COMELEC, Ikakasa na ng Duterte Administrasyon

57
0

“Yes, sinabi ko nga [before] na option ‘yan… pero ginagawa na namin yan. It is not only an option now but we have firmed up our move and we will do that… you can be sure that we will go towards that direction as soon as possible… ” sabi ni NTF-ELCAC Vice Chairman Hermogenes Esperon, Jr.

Dahil sa maraming nang ebidensiya laban sa mga makakaliwang kongresista na nakakalap ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nagpapatibay ito sa kanilang panig para ipa-disqualify sa Commission on Elections (Comelec) ang Makabayan Bloc

Magugunita na direktang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga komunista ang mga progresibong grupo at mga miyembrong mambabatas ng mga ito.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi aniya ito red tagging bagkus ay pagpapatunay lamang sa mga naunang pahayag ng Armed Forces of the Philippines  (AFP) na sila ay mga komunista.

Muli ring iginiit ng Pangulo na wala nang sinusunod na ideolohiya ang mga naturang grupo at tanging nais lamang ay pabagsakin ng gobyerno.

ILANG TAO NA GALING DOON SA INYO NA OPENLY ATTACK YOU NOT ONLY CRITICIZED ON YOUR SHARED BRUTALITY IN THIS COMMUNAL WAR. COMMUNAL WAR ITO THERE IS NO LONGER ANY IDEOLOGY GUSTO LANG NILA UMAGAW NG GOBYERNO , MGA BOBO NAMAN… ″, PAHAYAG NI PANGULONG DUTERTE.″

Matatandaan din na sinabi ni Lorenzana, nagkaroon na ng matibay na basehan na sumusuporta ang Makabayan bloc sa Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA).

“Actually dahil sa nangyari ngayon, anak pa ng congresswoman na Makabayan ‘yung namatay,yung red-tagging namin ay may basis.May basis na sila ay sumusuporta, ‘yung Makabayan, sinusuportahan nila itong CPP-NPA at saka ‘yung tinatawag na armed struggle ng NPA,” paliwanag ni Lorenzana.

Source: ABS-CBN

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here