Home Health Pacquiao Kumpiyɑnsɑ na Solid Boboto ang mga Taga Miɑdanɑo at lahat ng...

Pacquiao Kumpiyɑnsɑ na Solid Boboto ang mga Taga Miɑdanɑo at lahat ng bisaya sa kanya

220
0

“I’M SURE ‘YUNG MGA MINDANAOAN TSAKA BISAYA, MASO-SOLID KO.”

Kumpiyansa si presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao na makukuha niya ang boto ng Visayas at Mindanao sa darating na 2022 elections. Tatakbo sa ilalim ng PROMDI si Pacquiao na tubong General Santos at kasalukuyang naninirahan sa Sarangani.

Pagdating kasi sa presidente, i’m sure ‘yung mga Mindanaoan tsaka Bisaya, maso-solid ko naman siguro ‘yun dahil pareho kaming mga Bisaya. Siyempre saan pa boboto ‘yung mga Bisaya, sa kapwa Bisaya? Senador Manny Pacquiao

Samantala, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, tatakbo nalang daw sa ilalim ng ‘Bawal Mamboso’ party-list

Matapos umatras sa kanyang pagkandidato sa pagkapangulo ay may naisip na plano si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung ano nalang ba ang kanyang tatakbuhin.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sen. Bato ang isang video mula sa sikat na page na ‘Vincentements’

Tungkol ang nasabing video sa mga ‘mamboboso’ sa mga public utility vehicles katulad ng Jeep.

Matatandaan na ilang videos na tungkol sa mga mamboboso ang nag viral sa social media.

“Tatakbo na lang ako bilang representante ng Bawal Mambuso partylist,” biro ni Sen. Bato.

Maraming netizens naman ang natawa sa post na ito ni Sen. Bato lalo na’t napakainit ng usapin ngayon tungkol sa politika.

“Ok to senator bato sa dami ng ganap at stress sa politika,” ani Chrizza Lee.

“AHAHAHAHAHAHAHA! gawin mong secretary yang si Ate Sir. ang tapang eh. hahaha,” sabi pa ni Dongdong Resare.

May mga nagpakita naman ng paghanga sa dating PNP chief.

“Kahit saglit ka lng kumandidato sir sen.bato mahal ka nmin lht at manatili un xa puso’t isip namin maraming slmat po napakabuti ng iyong puso GOD Bless at xa boung pamilya mo stay safe & healthy po,” ani Melanie Lumbayan.

Matatandaan na umatras si Sen. Bato sa pagtakbo bilang pangulo upang magbigay daan kay Sen. Bong Go.

Previous articlePanoorin: Hon†iveros sinɑbihan Pɑngulong Du†er†e dapat ßɑgµhin ang µgɑli nito sa Senado
Next articlePanoorin: 2 ɑhɑs, natɑgpuan sa idineliver na packɑge na inorder sa isang shopping app