Home News National npɑ Leɑder “Kɑ-Oris”, †°dɑs sa Engƙwen†r°, naging kasama pa ng Mɑdre noong...

npɑ Leɑder “Kɑ-Oris”, †°dɑs sa Engƙwen†r°, naging kasama pa ng Mɑdre noong 2018

438
0

Photographed with Jorge Madlos alias Ka Oris, NDF-Mindanao spokesman, are some of the Catholic nuns including Sis. Mafe Vargas, a former NPA amazon (second from right wearing a black overcoat), that actively supports ALCADEV and the NPA operating in Surigao del Sur.

Ilang madre at pari mga komunista – Pangulong Duterte

May mga alagad ng simbahan gaya ng mga madre at pari na mga komunista.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa aktibidad ng National Task Force End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Orintal Mindoro noong Huwebes ng hapon.

Sinabi ng Pangulo na nagpapanggap na human rights advocate ang mga ito pero ang katotohanan aniya ay puro maka-kaliwa ang mga ito.

Mismong ang napatay na top NPA Commander na si Ka Oris aniya ay dating pari pero pumapatay ng mga inosenteng sibilyan .

“Ang mag-ano ng human rights puro left rin talaga sila eh. Walang human rights na democratic. They are all communists kaya nandiyan yan sila. Pati yang mga madre pati pari yung nandiyan. Eh kasi si Oris is pari,” anang Pangulo.

Maging ang dating Cabinet Secretary na si Leoncio Evasco ayon sa Pangulo ay dating political prisoner na pinalaya ni dating Pangulong Corazon Aquino dahil sa kasong rebelyon.

Muling binanatan ni Pangulong Duterte ang Human Rights na aniya ay pabor lamang sa mga napapatay na mga komunista pero kapag mga sundalo at pulis ang mga pinapatay ng mga komunista at tahimik lang ang mga ito.

“Itong mga human rights, kung magsalita at mag-ano… may namatay sa kanila gaya ni Oris eh gusto pa ng mga buang na i-autopsy kung saan ang tama, if they are at the losing end,” dagdag ng Pangulo.

Kapag aniya ang gobyerno ang nakapuntos laban sa mga komunista, ang tingin sa puwersa ng militar at pulisya ay killing machine.

Samantala, Ipinaalam ng Philippine Army na nɑpɑtɑy ng 4th Infantry Division (4ID) si Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) leader George Madlos, alyas Ka Oris, sa isang enkuwentro sa Impasugong, Bukidnon noong Sabado.

Batay sa ulat ng militar, naglunsad sila ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente ng Sitio Gabunan sa Barangay Dumalaguing na ilang armadong grupo na miyembro ng National Operations Command (NOC) ng CPP-NPA Komiteng Mindanao, Regional Operations Command, at Guerilla Front 89 ng North Central Mindanao Regional Command ang nasa kanilang lugar.

“The CNTs’ (CPP-NPA terrorists) positions were fortified with APMs (anti-personnel mines), hence, we can assume at that time that they were protecting their top leadership. In order to protect our troops, we called for close air support and delivered air strikes towards the CNT positions,” ayon kay Brig. Gen. Ferdinand Barandon, commander of the 403 IB.

Dakong alas- 11:30 ng umaga ng Sabado nang isagawa ang final assault kung saan nasa 30 CNTs umano ang nakaenkuwentro ng militar at matapos ang may kalahating oras na palitan ng putok, dalawang bangkay ng rebelde ang naiwan. Nakumpirmang isa sa mga ito si Madlos alyas Ka Oris habang ang isa pa ay si Eighfel Dela Pena, alyas Pika/Maui.

Ayon pa sa report ng militar, si Ka Oris ay asawa ni Myrna Sularte, alyas Maria Malaya, na secretary ng North Eastern Mindanao Regional Committee. Sangkot umano si Ka Oris sa iba’t ibang kasong kriminal tulad ng robbery with homicide, damage to properties, murder, at double frustrated murder.

“Ka Oris’ reign of terror has finally ended. Unfortunately, the consequences of his atrocities led to a tragic ending. Now, justice has been served for those innocent civilians and their communities he terrorized for several decades. His death could be the final blow for the eventual collapse of the communist terrorist group here,” pahayag ni Maj. Gen. Romeo Brawner Jr., commander ng 4ID.

Previous articleSaudi Arabia Magbabayad na ng P4.6 Billion sa Pilipinas para sa hindi naibigay na sahod ng 9,000 OFW
Next article‘LANDSLIDE VICTORY’ Kampo ni Manny tiniyak ang Panalo sa 2022