Home News Nakakapan£µmong kalagayan ng isang lalaki na nakahiga lang sa maliit na karton...

Nakakapan£µmong kalagayan ng isang lalaki na nakahiga lang sa maliit na karton at walang makain!

61
0

Trending ngayon ang isang lalaki na natutulog lang umano sa karton sa ibaba ng LRT ang payat na payat na ang pangangatawan dahil wala ng makain.

Ayon sa uploader na si Seña Del Barrio Nicole, nakita niya ang lalaki sa Taft Avenue sa baba ng LRT station, naawa umano siya dito dahil wala siyang proteksyon sa ulan at sa sikat ng araw sa kanyang puwesto na isang maliit na karton kung saan siya ay natutulog.

Hindi na daw makatayo ang lalaki dahil sa panghihina nito sa sobrang kapayatan at dahil wala na rin siyang makain.

Ang kahilingan ni Nicole ay matulungan ang lalaking ito at mapatignan ang kalagayan niya sa mga eksperto at makauwi sa kaniyang pamilya.

Binigyan ni Nicole ang lalaki ng pagkain at sinubukang kausapin ngunit hindi niya ito maintindihan dahil nahihirapan itong magsalita sa sitwasyon niya.

Narito ang kabuuang post ni Seña Del Barrio Nicole:

“Nakita lang po namin si Tatay sa Taft Avenue kanina, sa Baba ng LRT EDSA STATION nakakaawa naulanan at narawan sa pwesto niya gamit ang higaang kartonbasa pa yung gilid ng damit niya.

“Hindi makatayo dahil nanghihina gawa ng sobrang payat na siya dahil hindi nakakakain ng maayos

“Hoping may tumulong sakanya para makabalik sa pamilya or mapagtignan ang kalagayan.

“Nung binigyan namin siya ng pagkain tinanong namin pero di namin maintindihan ang sinasabi niya mahina na tlaga at hirap magsalita.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here