Home News National MISS1NG OFW in Abu Dhabi UAE, 9 buwan na Nawawala. Kamag-anak humingi...

MISS1NG OFW in Abu Dhabi UAE, 9 buwan na Nawawala. Kamag-anak humingi ng tulong sa Publiko.

49
0

Mula ng pumutok ang pandemya sa buong mundo. Samo’t sari na rin ang mga nangyayari lalo na sa mga kababayan natin OFW mula noong nagpatupad ng lockdown ang iba’t ibang bansa.

Umapela ngayon ang mga kaanak ni Mary Anne Daynolo ang nawawalang Receptionist sa isang Hotel St. Regis Saadiyat Hotel sa Abu Dhabi na sana matulungan sila ng mga kababayan Pilipino na nasa mundo ng social media.

Ang Panawagan ng mga Kaanak

Tulungan po ninyo kaming mahanap si Anne. Ang aming kapamilya na si Mary Anne Daynolo ay nawawala mula pa noong March 4, 2020 10:30 PM sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa St. Regis Saadiyat Hotel sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE). Isa siyang hotel receptionist doon.Nakapagfile na ng report ang kaniyang kapatid sa Abu Dhabi sa Mussafah Police Station noong March 6 at nasa Criminal Investigation Department (CID) na po ang kaso mula noon. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin kaming natatanggap na update mula tungkol sa imbestigasyon.

Nakapag-report na rin kami sa Philippine Embassy of Abu Dhabi at sumulat na rin sa kanilang opisina noong July ngunit wala pa rin kaming naririnig mula sa kanila bukod sa mag-abang ng update sa pulis. Humingi na rin kami ng tulong sa Office of Consular Affairs (OCA) sa Department of Foreign Affairs (DFA) dito sa Pilipinas at kami ay ni-refer sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa kaming naririnig mula sa kanila.9 na buwan nang nawawala si Anne.

Kaming mga kapamilya niya ay lubos na ang pag-aalala sa kalagayan ng aming mahal na anak, kapatid, pinsan, pamangkin, tita. Umaasa po kami sa tulong ninyong lahat dito sa social media at sa publiko para maabot ang mga awtoridad at ang lahat ng posibleng makatulong kay Anne. Nakikiusap kami sa inyo na tulungan kami na mapabilis ang imbestigasyon at tuluyan nang mahanap si Anne.

Paki-like at i-share ang aming FB page at mga post.Para sa mga makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Anne, paki-message kami o contact sa mga number na ito:(PH) 09235956816(UAE) +971504449801

Source: Finding Missing OFW in Abu Dhabi: Mary Anne Daynolo

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here