Home Health Mayor Isko, Binɑnɑ†ɑn ng Dating Presidente ng Unibersidad De Manila

Mayor Isko, Binɑnɑ†ɑn ng Dating Presidente ng Unibersidad De Manila

884
0

Sa kanyang social media post nitong November 7, 2021. Binanatan ni Malou Tiquia si Manila Mayor Isko Moreno. tinawag ng mamahayag na “Bastos at Hilaw” pa ang batang Alkalde.

Isko Moreno Domagoso hilaw ka pa. At kung mahinog ka man ay pabulok ka na rin. Ayaw namin ng hilog sa pilit o kaya naman ay hilaw na nagkukunwaring matamis. Ang gusto namin ay yong presidenteng ibabangon ang Bansang Pilipinas. Si Bongbong Marcos yon at hindi ikaw. Sinayang mo ang paghanga namin sayo. Mas OK pa sana kung nag istambay ka na lang muna sa Maynila. Kaso mukhang political suicide ang gagawin mo. Maaga mong tinatapos ang political career mo sa maling panahon at maling pagkakataon.

Dapat nagsilbi ka muna sa Maynila ng tatlong termino bago ka tumalon sa mas mataas na posisyon. Walang shortcut sa pagka Presidente. Kahit ang mga tao sa mismong Divisoria ay si BBM ang gusto nila. Ayaw nila sayo dahil masyado ka raw nagmamadali. Di mo pa nga natutupad ng husto ang mga iniwan mong pangako sa mga Manileño lulukso kana agad na parang tipaklong. Siguradong wala kanang babalikang trono sa Maynila kahit tumakbo ka pa uling Mayor dyan matapos mong matalo sa 2022 maliban sa sarili mong trono sa iyong bahay.

Narito ang kabuoang post ni Malou:

Matagal tagal na rin pinarating ito sa akin. Hindi ko na sana papatulan si Isko Moreno pero paulit-ulit nyang sinasabi at di ako tinitigilan ng troll farm nya. Ang huli ay kinakalat ang 2 punto: 1) multi million daw ang hinihingi ko kay Moreno; 2) gusto ko daw ako ang principal strategist nya.Lahat ay kasinungalingan. Wala akong hininging multi million contract sa kanya. Hindi rin ako sumisingngil ng 70 M o 50M a month tulad ng iba.

Ang costing sa political management ay hati sa professional fee, operational expense, quantitative and qualitative research expenses. Kung ako mismo ang hahawak ng kampanya, merong acceptance fee at mobilization expense. Kung kailangan ng mga PO sa bawat 81 probinsya, kasama sa proposal ang PF at operations nila.

Pakitanong nyo kay Moreno kung sa lahat ng tulong ko sa kanya ay binabayaran nya ako. Ang huling contract namin sa kanya ay 2019 para sa social media management. Libre na ang advice. Ang total DISCOUNTED cost nuon ay 2M sa 45 days na kampanya o P45,000/day. Binayaran nya ang 900k nuong April 2019 at ang balance na 1.1 M ay nabayaran ng Dec 2020 at July 2021.

Gusto ko daw maging lead campaign strategist? Muli kasinungalingan yan. Ako ang huling nakaalam na siya ay tatakbo sa pagkapangulo sa aming pagpupulong ng 17 June 2021. Duon sinabi ni Moreno sa akin na tatakbo siya. Ang hiling nya ay hintayin ko desisyon nya ng August 2021.

Hindi ako tanga para hindi ko malaman naghahanda na sila maaga pa (nakatuon ako sa pamantasan dahil maraming kailangang isa-ayos duon). Maliit lamang ang industriya at maraming mata na nakakakita at itatawag sa akin. Na confirm ko ang pagtakbo nya nang may nagsabi sa akin, “kailan kita makikita sa Cubao?” At yan ay tinanong ko mismo kay Moreno.

Nag resign ako ng 13 August at hindi politika ang dahilan. Governance at corruption. Alam nya yan dahil ako ay nag padala sa kanya ng resignation letter. Paano ko gugustuhin maging campaign strategist sa hilaw na kandidato na kailangan ng bayan ang pagbangon sa 2022? Uulitin ko sa yo at mga trolls mo, mas mahal ko ang bayan ko at sinabi ko yan sayo.

Tumigil na ako pero patuloy ka pa rin sa pambabastos sa akin. Pati trolls mo patuloy ang kung ano anong pag-po post sa FB wall ko. Ingat kayo dahil nakalabas ang IP address nyo, natukoy na ng team ko.

Previous articleKahit hulugan! Ramon Ang handang ibenta Petron sa Gobyerno
Next articleBBM, Hinɑmon si Leni Robredo