Home News National Manok ABS-CBN Noli de Castro, Umatras sa Pagtakbo

Manok ABS-CBN Noli de Castro, Umatras sa Pagtakbo

171
0

Umatras sa pagtakbo ng dating bise presidente at mamahayag ang plano niyang pagtakbo sa pagkasenador, kahit halos isang linggo pa lang niyang inihahain ang kanyang certificate of candidacy sa Comelec.

Sa isang pahayag na inilathalata sa ABS-CBN News ngayong Miyerkules, ginawa niya ito sa dahilang mas makatutulong daw siya sa pagbabalita kaysa sumabak uli sa mundo ng pulitika.

“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” wika ni De Castro, na tatakbo sana sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.”

Aniya, ang hangaring maglingkod sa mga kababayan ang nag-udyok daw sa kanyang muling bigyan sila ng boses sa loob ng Senado.

Sa kabila nito, patuloy naman daw niyang gagawin ang makakaya para makapaglingkod sa kapwa.

“Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan,” wika pa niya.

Nagpasalamat naman si “Kabayan” sa lahat ng supporters, partido at kanilang standard bearer na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagtanggap sa kanya ngunit sadyang hindi niya raw ito matutupad.

Malugod namang tinanggap ni Domagoso ang desisyon ni De Castro na bitiwan ang naturang senatorial candidacy: “In truth, when my team was convincing him to run once more for the Senate, he contemplated on it for a long time. We respect his decision to forego his re-entry into national politics, and wish him well because we know that he will continue to have the best interests of our people, as the Pambansang Kabayan, in his heart,” ayon sa presidential candidate.

Magpapatuloy naman bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko si Noli kahit na umatras sa pagtakbo, pagkukumpirma ni Aksyon Demokratiko chairperson Ernest Ramel.

Bago maging senador at bise presidente, nakilala si De Castro bilang reporter sa RPN noong 1976 sa RPN. Matapos ang ilang taon, pangungunahan niya ang tanyag na palatuntunang “Magandang Gabi, Bayan” sa ABS-CBN.

Isa rin siya sa mga naging anchor ng Kapamilya primetime newscast na “TV Patrol” at sumahimpapawid din sa TeleRadyo

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here