Home News National Manny Pacquiao Nagsalita sa kanyang dahilan matapos matalo kay Yordenis Ugas

Manny Pacquiao Nagsalita sa kanyang dahilan matapos matalo kay Yordenis Ugas

1127
0

Tulala ang mga nanood sa T-Mobile Arena ng World Boxing Association Welterweight Championship fight ng legendary Filipino boxer na si Senator Manny Pacquiao at ni Yordenis Ugas dahil hindi sila makapaniwala na natalo ang Pambansang Kamao sa laban nito sa Cuban boxer na naganap ngayong Linggo nang hapon ( Sabado nang gabi) sa Las Vegas, Nevada.

“I’m sorry that we lost tonight but I did my best and I apologize,” ang pahayag ni Manny na magang-maga ang mukha habang ini-interview siya pagkatapos ng 12-round fight nila ni Ugas.

Inamin ni Manny na nagkaroon siya ng problema dahil hindi siya nakapag-adjust sa laban nila ni Ugas at nakakaramdam din siya ng paninikip ng kanyang mga binti.

“My legs is so tight that’s why it’s hard to move,” ani Manny na pinasalamatan ang kanyang mga tagahanga na nagsadya sa T-Mobile Arena dahil sinuportahan ang laban niya sa kabila ng pagkakaroon ng coronavirus pandemic.

Sa panayam sa kanya matapos ang kanyang laban ay inamin ni Pacquiao na nahirapan siya sa last minute adjustment sa kanyang laban kay Ugas.

“I didn’t make adjustments early enough. My legs were tight.” ani Pacquiao.

Humingi naman ito ng tawad sa kanyang mga fans dahil hindi niya naibigay ang panalo na gusto nila.

“I’m sorry we lost tonight. I did my best.” sabi niya pa.

Hindi pa naman malaman kung magre-retiro na nga ba ang pambansang kamao.

Sa post-fight interview matapos ang laban kontra Yordenis Ugas, inanunsyo ni Manny Pacquiao ang plano sa kaniyang presidential bid sa susunod na buwan.”I will make an announcement next month. I know that I’m facing a big problem [which] is more difficult than boxing, but I want to help the people,” aniya.

Sinabi naman niya na sa susunod na buwan ay ilalahad niya na ang kanyang desisyon kung tatakbo ito sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Ayon naman sa ilang fans ay natalo na ng “father time” si Pacman dahil sa matanda na ito.

Marami sa kanilang ang hinimok na ang pambansang kamaop na mag retiro.

“Yordenis Ugas and father time just put an end to Manny Pacquiao‘s legendary and hall of famer boxing career. His footwork and power aren’t there anymore. Time to retire and become a private citizen and philanthropist.” ani @markyramonego.

“In the end Father Time is undefeated. It was a wonderful run and over a decade of happy and proud Pacquiao Weekends. Salamat Manny and Congratulations on a legendary boxing career!” sabi naman ni @SaltAndReality.

Panoorin dito ang Full Game Replay:

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here