Home News National Manny Pacquiao, Nagsalita na tungkol sa mga Mamahaling Gamit ni Jinkee

Manny Pacquiao, Nagsalita na tungkol sa mga Mamahaling Gamit ni Jinkee

854
0

“Napag-usapan na namin na si Jinkee eh napipintasan kung minsan na mas mamahalin ang mga kasuotan. Sabi niya ‘alam mo Ma­yor’, mayor tawag niya ‘si Jinkee tumaya sa akin ‘yan, walang-wala ako noon. I was earning four thousand pesos a month. Thirty thousand malaki na ‘yun pero pinakasalan niya ako. Ngayon marami na akong pera, marami na akong kinita gusto kong mag-enjoy siya, binigyan ko siya ng pera. Gusto ko talagang gastusin sa kaligayahan niya,’” sabi pa ni Cong. Lito.

Depensa pa ni Cong. Lito : “Isang mapagmahal na asawa si Manny ayokong pintasan n’yo, ayoko na sabihin na huwag mong gawin ‘yan. Pero ginawa ko sa misis ko kung kailangan maglaba ako gabi-gabi dahil ‘di niya ginagawa, gagawin ko nang walang reklamo.

Kung ang misis ko nagsusuot ng gusto niyang bilhin e, ikatutuwa ko ‘yun. Na­tutuwa ako na pinapaligaya ko ‘yung misis ko. A happy wife is a happy life,” hirit / depensa niya sa pagsasama ng mag-asawang Sen. Manny and Jinkee.

Madalas sa bahay ng mag-asawang Pacquiao ngayon si Cong. Lito para pag-usapan nga ang mga plano nila sa 2022 kung saan nga sila ang magka­tambal at kumakandidatong presidente and bise presidente respectively.

Matagal ang kanilang pagiging magkaibigan / magtatay kaya ginive up ni former Mayor Atienza ang plano sanang retirement sa pulitika nang sabihin sa kanya ng retired boxing champion na  ‘I need your 50-year experience to make the life of the Filipinos better.”

Sinubukan daw niyang tumanggi pa pero hindi niya kinaya. “I tried my best to refuse Manny, so I prayed even harder the night before I was to give him my decision. At ang sagot ng Panginoon napakabilis at napakalinaw. That Manny has good intentions for your country, and you have to help him,’ kaya pumayag ako.”

So totoo bang madaling maniwala si Sen. Pacquiao sa mga bulong at madalas matigas ang ulo? “I tell you, Manny’s No. 1 quality is he listens, then he digests what he is told and advised and does what is right,” depensa pa niya sa boxing champion / pulitiko.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here