Home News National Leni Robredo most qualified running President of 2022 – Drilon

Leni Robredo most qualified running President of 2022 – Drilon

5
0

Naniniwala si Senate minority leader na si Frank Drilon na si Bise Presidente ang “pinaka-kwalipikado” na mamuno ng bansa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kakayahan ang kanyang kahalili.

“Maaga pa pulitika na. I have deatt with her. Yung puso niya ay para sa mahirap, nandoon sa mga nasa laylayan ng ating bansa, kaya siya po ang most qualified to lead the nation kung sakali,” ayon kay Drilon sa isang panayam

Nauna nang inihayag ni Leni Robredo ang kanyang desisyon na kunin ang mantle ng pamumuno para sa oposisyon laban kay Duterte.

“Obligasyon nating lahat na sumalungat kung kailangang sumalungat. Pero it is becoming apparent na mas malakas iyong loob ng iba na magboses kapag mayroong sinasandalan na grupo, mayroong sinasandalan na grupo na pareho iyong paniniwala sa kaniya. At iyon iyong role ko: na pag-isahin iyong mga boses na iyon,” ani Robredo

Hindi rin pinalagpas ni Pangulong Duterte ang sinabing ito ni Robredo at sinabing hindi siya magbibitiw sa pwesto dahil ang hahalili sa kanya ay si Robredo.

“Kung siya (Robredo) mag-presidente? Look, I will not resign because it will make her president. My resignation is addressed to the people para makapili sila ng gusto nila. I don’t think she can ever be ready to govern a country. Reason? Incompetence. She’s not capable of running a country like this, Philippines,”  aniya

Leni, Bukas na sa Pagtakbo sa Presidential Elections!

Para kay Vice Presidnt Leni Robredo, bukas na raw siya sa posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

“Running for president remains a possibility…if only I have sufficient resources, it would be easy for me to decide,” sabi ni Robredo.

“If I run for president, I need to be really ready, not just for the job but for the fight, and that’s where the problem is. You know that I don’t have the resources… As in all my other elections, I’m open to all possibilities. I’m OK with various positions… We are thinking of where I can best serve,” ani Robredo sa hiwalay na panayam.

Pero, ayon kay Robredo, mas napipisil niyang tumakbo sa lokal na posisyon.

“So if I have a choice, honestly, I prefer local. I’m not saying for governor, there are many local positions, it can be congressman or mayor,” boladas pa ni Robredo.

Ikinuwento din ni Robredo na may mga nag-uudyok din sa kaniyang anak na si Aika na kumandidato.

“I don’t know if she has changed her mind, but in 2019 when she was asked to run for mayor or vice governor she declined… When I was asked if Aika would like to run for governor, I told them why Aika, why not me? So, I was the one who started that discussion,” ani Robredo.

Iaanunsyo daw ni Robredo ang kaniyang desisyon sa September o isang buwan bago ang paghahain ng certificate of candidacy para sa 2022 elections. Siniguarado din ni RObredo sa kaniyang mga taga-suporta na pag-iisipan niya ng mabuti ang magiging desisyon niya.

“So sa akin ganoon naman, pinagdadasal lagi. Pinagdadasal lagi na gabayan tayo sa pagdesisyon. Pero kung ano iyong makakabuti sa lahat – kapag kausap ko naman iyong mga kakampi, iyon iyong parati kong sinasabi na maging bukas tayo sa lahat na possibilities,” dagdag pa ni Robredo.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here