Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo Lagot! Delivery Boy na Binasag ang labi, tutulungan ni Raffy Tulfo

Lagot! Delivery Boy na Binasag ang labi, tutulungan ni Raffy Tulfo

1369
0

Pumutok ang bibig at duguan ang isang delivery rider matapos siyang biglang sapakin ng lalaking pinaghatiran niya ng parcel.

Ayon sa ulat ng News5, ang nasabing rider ay napagbuntunan lamang umano ng galit ng pinagdalhan ng parcel dahil daw sa mga scammer na nambiktima sa suspek.

Mapapanood sa video na sinusubukan pang magpaliwanag ng rider na si Nathaniel Rico sa lalaking pinaghatiran ng order na parcel sa Sta. Cruz, Laguna. Mapapansing mainit ang ulo ng lalaki habang itinatangging may binili online ang kanyang asawa.

Pilit pinabubuksan ng lalaki ang parcel sa rider habang maayos na nakikipag-usap ang rider at sinabi pang maaari naman umano itong i-cancel kung talagang walang order na ganoong item. Nang mabuksan ang item, walang kaabug-abog na sinuntok ng lalaki ang rider sa kabila ng pakiusap nito na wala umano siyang kinalaman kung ano ang nasa loob ng parcel dahil siya ay taga-deliver lamang.

Kuwento ng biktima, halos tatlong taon at regular na umano siyang nagde-deliver ng parcel sa misis ng lalaking nanapak sa kanya, kaya laking gulat umano niya sa ginawa nito.

Mahaharap sa reklamong “physical injury” ang suspek at tumulong na rin ang Sta. Cruz Laguna PNP upang masampahan ito ng kaso.

Umani ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing balita, na pawang naaawa sa sinapit ng rider at nagpupuyos naman sa ginawang pananapak ng suspek.

Facebook Comments
Previous articleNBA Live: Dallas Mavericks vs Golden State Warriors | NBA Playoffs Game 4 | May 25, 2022
Next articleNanggulo na sila! Proklamasyon ni BBM at Sara, Ginulo ng mga Rallyista