Home News National KRIS AQUINO MAY SAGOT NA BA SA BALITANG NAKABUNTIS SI JOSH AQUINO?...

KRIS AQUINO MAY SAGOT NA BA SA BALITANG NAKABUNTIS SI JOSH AQUINO? OGIE DIAZ NAG SALITA NA !

8
0

Vlogger ipinagkakalat na nakabuntis si Joshua kaya ikakasal na; Ogie Diaz nagbabala

Sa YouTube channel nitong Ogie Diaz Showbiz Update kasama si Mama Loi ay nagulat ang kilalang talent manager-vlogger sa balita.

Hindi pinalampas ni Ogie Diaz ang ibinalita ng isang vlogger na ikakasal na ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua dahil nakabuntis umano ito.

“’Yung YouTuber na Showbiz Chikka na parang ganito rin na nakikita kami, iyon boses lang.

“Ang sabi niya confirmed, kinonpirm pa na si Joshua Aquino, panganay ni Kris Aquino ay ikakasal na dahil ito ay nakabuntis ng girlfriend at si Kris daw ang gagastos.

“Tinanong pa nila si Kris kung ilang apo ang gusto at ang sagot daw ni Kris, ‘kahit ilan, i-push n’yo ‘yan.’  Ganu’n daw ang sabi ni Kris.

Panoorin dito:

“Kaloka, wala namang statement si Kris!  ‘Wag kayong ganu’n.  Alam n’yo (YouTuber) mga scientist kayo!” sabi ni Ogie.

“Bakit scientist?” tanong ni mama Loi.

“Mga imbentor,” sagot ni Ogie.

“Wag naman ganu’n na nakabuntis si Joshua at ang nakakaloka ‘yung babaeng nandoon (may bilog) ininsert pa. Unang-una pag nagko-confirm kayo dapat sinasabi ninyo kung anong pangalan talaga. E, wala kayong pangalan.

“Ang ininsertan nila si Bincai ay yaya ni Joshua.  Di ba nakakaloka, si Joshua makakabuntis?  Hindi naman natin tinatapos ‘yung future ni Joshua na maging ama kaya lang imposible naman, hindi naman makatotohanan.

“Alam mo kasi nag-ugat ito Loi nu’ng tinanong ni Kris Aquino si Joshua, ‘you want to stay in Tarlac because?  Sandali lang si Joshua dito, in a while aalis na rin siya. He’s going back to Tarlac because.

“Doon siguro sila nagka-ideya na, ‘ah gusto ni Joshua sa Tarlac, sila mismo nag-confirm na kinowt pa nila si Kris na nakabuntis ang anak niya.

“Hellooo, ‘day kung mayroon mang taong magbabalita na nakabuntis si Joshua ay walang iba kundi si Kris Aquino.

Hindi papahuli si Kris Aquino.  Kaya ‘yang mga nag-iimbento, tigilan n’yo ‘yang mga ganyan na gusto n’yo lang maka-attract ng views.

“Saka kung totoo ‘yang mga hanash ninyo bakit tinu-turn off ninyo ang comments?” pahayag ni Ogie.

Sabi naman ni mama Loi, “At ang nakakaloka sinabi nilang kinumpirma ng pamilya ni Kris (pinakita family picture ng Aquino siblings).”

Dagdag pa ni Ogie, “Ni wala nga kayong mapakitang screen grab ng IG ni Kris na kinonfirm nga niya. At ito pa ang nakakaloka, nahimatay si Kris nang makabuntis si Joshua kaya siya na-ospital.

“Sa netizens naman na nanonood sa YouTube, huwag kayo basta-basta naniniwala sa binabasang report lang pero wala namang pruwebang ipinapakita kasi ‘yang mga ‘yan ay nanga-attract lang ng viewers para lumaki (views) at kumita sila,” paalala pa ng talent manager.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here