Home News KMJS Kalingap Rab, Nasa KMJS dahil sa Taong Grasa

Kalingap Rab, Nasa KMJS dahil sa Taong Grasa

36
0

Dahil sa tulong at malasakit ng isang grupo ng vlogger sa Bicol, nakabalik sa kaniyang pamilya ang isang taong-grasa na mahigit isang taon na palang hinahanap ng kaniyang pamilya sa Caloocan.

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, ikinuwento ni Rab Matubang, charity vlogger sa grupong Kalingap RAB, na nitong nakaraang Agosto nang makita nila habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Daet, Camarines Norte ang taong-graso na nakilalang si Christian.

Kilala ang Kalingap RAB sa pagtulong sa mga nangangailangan kaya hinintuan nila si Christian para bigyan ng pagkain at maiinom na tubig. Kalmado naman at nakakausap si Christian, at binanggit pa niya kung taga-saan siya: At ang dinig nila Rab, “Albay.”

Kaya nang i-post nila ang video ni Christian, nanawagan sila sa mga kaanak nito na naghahanap na mula sa Albay. Ilang araw lang ang lumipas, may nagpadala na ng larawan kina Rab na nagpapakilalang sila ang kamag-anak ng taong-grasa na ang tunay umanong pangalan ay “Ryan.”

Hinanap at pinuntahan muli nina Rab si Christian ay sinuri ang mga sinasabing palatandaan ni “Ryan” pero hindi tumugma. Kaya naman naisip nila na hindi si Christian ang sinasabing si Ryan bagaman malaki ang pagkakahawig ng dalawa sa larawan.

Ilang araw pa muli ang lumipas, isang babae naman na taga-Caloocan ang nakipag-ugnayan kina Rab at sinabing kapatid niya si Christian. Nagpadala rin sila ng larawan ni Christian at sinabi ang palatandaan sa kuko na tugma naman.

Kuwento ng ina ni Christian na si Endrile, 2017 nang magsimulang magkaroon ng pagbabago sa ugali ng anak. Ipinatingin nila ang binata at binigyan ng gamot. Pero nang magkaroon ng pandemic, hindi nila ito naibibili ng gamot hanggang sa mawala na noong July 2020.

Hinanap daw nila Nanay Endrile ang anak pero nabigo sila. Hanggang sa may makapagsabi sa kaniya tungkol sa taong-grasa na nakita sa Daet. Gayunman, hindi sila kaagad makapaniwala na si Christian ito dahil iniisip nila kung papaano siya nakarating sa Bicol.

Upang malaman kung si Christian nga taong-grasa, bumiyahe sila Nanay Endrile sa Bicol at tinulungan pa rin sila ni Rab.

Tunghayan sa video ng “KMJS” ang nakaantig na pagkikita ng mag-ina, at ang natuklasan nina Rab tungkol sa sinabi ni Christian kung taga-saan siya nang una nila itong makita at tinanong.

Samantala, mensahe naman ni Rab sa mga kapuwa niya vlogger, “Napakahirap na po ng buhay dahil nga po dyan sa pandemic. Mas marami ngayon ang mas nangangailangan. Siyempre, importante po sa atin mga vlogger na ma-share po natin ang ating blessings kasi diyan po tayo pinagpapala ni Lord.”

Panoorin ang buong episode at tingnan ang transformation ni Christian matapos siyang paliguan at i-make-over ng grupo ni Rab.

“Nu’ng unang beses naming makita si Christian, uhaw na uhaw siya at gutom na gutom. Tatlong bote po ng tubig yung kanyang naubos. Sinasaid niya po yung balat nung saging na ubos na kaya grabeng awa po namin sa kanya.

Doon sa unang video, nanawagan kami. Baka sakali kasing may nakakakilala kay Christian. Hanggang may mga taga-Caloocan na nagpapakilalang sila raw ang pamilya ni Christian! Bumiyahe na sila papunta rito sa Daet. Pursigido sila agad na makita ‘yung nawawalang kamag-anak. Sana sina Nanay na ‘yung totoong pamilya ni Christian.”

“‘Yung anak kong si Christian, biglang umalis noong July 26, 2020. Hindi namin malaman kung saan siya hahanapin.Umiiyak ako gabi-gabi. Wala akong ibang pinagdarasal kundi sana may kumupkop sa kanya.Sana nakakakain siya nang maayos.Hanggang sa tumawag ‘yung isa kong anak, sabi niya,

‘Ma, nakita ko si Kuya!’Nakita niya raw sa isang vlog. Nasa Daet daw.Siyempre, nagtataka ako kung paano nakarating doon ‘yung anak ko.Kaya kinontak ng anak ko ‘yung nag-post. Para makasiguro, kinabukasan, bumiyahe na kami agad papunta doon.Sana siya na ang nawawala kong anak!” -Nanay Endrile

Panoorin dito:

Narito naman ang mga episode sa Vlog ng Kalingap Team tungkol sa taong grasa na si Christian na kanilang natulungan.

GUTOM NA GUTOM ANG TAONG GRASA NA ITO | Ep1

MULI NAMIN BINALIKAN SI CHRISTIAN | Ep2

MATAGAL NANG HINAHANAP NG MAGULANG NATAGPUAN NAMIN | Ep3

TUMAWAG ANG NANAY NI CHRISTIAN | MAKAKAUWI NA NGA BA SIYA? Ep4

SA WAKAS! DATING TAONG GRASA HETO NA NGAYON | Ep5

TAONG GRASA MAKEOVER | ANG GWAPO! Ep6

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here