Home News National Kabaöng Isinabi† sa Kisame dahil sa Bahay Binaha

Kabaöng Isinabi† sa Kisame dahil sa Bahay Binaha

62
0

Upang hindi maabot ng tubig baha bunsod ng walang tigil na pag-uulan nitong Lunes ay isinabit sa kisame ang kabaong ng isang namayapa sa Sofronio Española, Palawan.

Sa Facebook, ibinahagi ni Sheryl Suico Tagyam ang mga larawan ng ataul ng kanyang pamangkin na si Francine.

Kuwento niya sa isang panayam: “Mga around 6 or 7 ng umaga. Malakas ang ulan noong mga alas-4 pa lang ng madaling araw, so pinapakiramdaman na namin kasi ang lakas na sobra nang buhos.”

“Mga alas-alas-siyete, alas-otso ng umaga nagpa-panic na po kami kasi ang lakas na ng pasok ng tubig. Limang minuto lang pumasok na ang tubig,” dagdag niya.

“Ang bilis po talaga. Sobra,” sabi pa ni Tagyam.”Ang inisip namin baka mabuwal siya doon sa stand niya. Hindi na siya mailalabas kasi hanggang balikat na ‘yung baha kaya ang inisip namin isabit na lang po sa kisame para hindi po siya maabot,” kuwento pa niya.

Idinagdag niya na hindi nila iniwan ang labi ng pamangkin dahil naawa sila rito.Sinabi pa ni Tagyam na hindi na nila inilabas ng kalsada ang ataul dahil kahit sa kalsada ay baha na rin.

“Hindi rin kakayanin kaya iyon po ang naging choice namin,” paliwanag niya.Ngayong umaga ay humupa na ang tubig kaya ibinaba na ang ataul. Sa Huwebes nakatakdang ilibing ang labi ni Francine.

Napag-alaman na bumaha sa bahay ng mga Tagyam nang umaapaw ang katabing ilog. Malapit din umano ang lugar sa dagat.

Panoorin ang Interview:

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here