Home News National Isang Nanay ang laging nawalan ng pera, nasundan ang “nangµngµpit’ na daga

Isang Nanay ang laging nawalan ng pera, nasundan ang “nangµngµpit’ na daga

26
0

Trending sa Facebook ang social media post ng isang netizen na may natuklasang kakaiba sa pader ng bahay nila.

Sa post ni Sherryl Anlap Tayhopon, ikinuwento niya ang kakaibang karanasan niya kamakailan.

Palagi raw niyang napapansin na nababawasan o nakukulangan ang pera niya kahit na sila-sila lang naman ang nasa bahay. Hanggang isang araw ay may nakita siyang daga at nagpasya siyang habulin ito at sundan. Nakita niya itong pumasok sa isang bahagi ng pader ng kanilang bahay hanggang sa hindi na niya ito nakita.

Nagdesisyon siyang pailawan ang bahaging iyon at nasorpresa siya sa kanyang nakita. Nakita niya ang ilang piraso ng paper bills sa bahagi na pinasukan ng daga. At nang kuhanin nila ito, nalaman niyang ito pala ang hinahanap niyang pera na nababawas sa pera niya.

May ilang piraso nga lang ng pera na nangatngat na ng daga. Umaasa siya na maaari pa niyang maipapalit ito sa bangko.

Basahin ang kanya-kanyang reaksyon ng mga netizens:

“sutil ang daga na iyon, alam kung ano yung pinahahalagahan ng mga tao sa bahay”

“Pasalamat ka n lang ate kay mang juan kc nga sya gumawa ng alkansya para syo bka d ka daw nag iipon wag m pagalitan kc prang tao kc yan mga gamit m ang balikan nyan kya nga tawag nmin dyan c bait kc totoo tlga sinsabi ng matanda noon wag daw banggitin at pagalitan kc nga mga damit m or gamit balikan nila totoo yan relate ako kc nga po sinisira kabenit k namora k nagalit ako hay nako mga damit k poro butas kinaumaghan khit naka sara kabinet ko”

“Kapag nanjan pa Po Yung serial number Ng Pera na magkabilaan ok Lang Po Yan tinatanggap Po Yan Ng banko”

“sigurado malaking daga yan,bat namn may malaking daga sa loob ng bahay? matuto ring maglinis, imagine napasok ng daga ang pinagtataguan niyan.”

“Sabi ng daga para hindi mo magastos ang inipon mong pera ako muna magtatago kunin mona lang pag kailangan mo na”

“Baka po nahawakan nyo ang pera pagkatapos nyo humawak sa pagkain. Nahahawa po sa pera/papel ang amoy ng pagkain.”

Source: Facebook

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here