Home News National Isang Doktor na Health worker, ikinuwen†o ang hirap na dinaranas sa gi†na...

Isang Doktor na Health worker, ikinuwen†o ang hirap na dinaranas sa gi†na ng pandemya

29
0

Trending ang post sa social media facebook post ang kwento ni Dr. Jennifer Abrenica-Aranzamendez ang kanilang hirap na nararanasan bilang health care worker sa gitna ng pandemya. 

“Wala ng patutunguhan. Kagabi lang namatayan kami ng pasyenteng anim na buwan na buntis, covid severe, kambal ang baby na parehong naka tubo ngayon sa NICU. May isa pang buntis na pasyente na nasa ICU dahil sa covid na CS, halos comatose at kelangan masalinan ng dugo. Kami-kami na rin nagdodonate ng dugo,” kwento ni Jennifer. 

“Pagod, pawis, luha, pati dugo na puhunan namin sa labang ito,” dagdag niya. 

Ayon pa sa kanya, tila para silang naglalaro ng tetris para may maisingit na pasyente sa covid ward. 

“Kada linggong naghihintay ng parang raffle kung sino sa mga residente namin ang positive sa weekly covid test. At pag may nagpositive, pinoproblema naman ang kakulangan ng matitirang magtatrabaho pag lumabas ang contact tracing ng mga kelangan ma-quarantine sa aming hanay. Buti na lang bakunado kami,” ayon kay Jennifer. 

Sinabi rin nito na wala sinag pakialam sa politika at wala silang oras magpabango sa masa. 

 “Pasalamat na lang sila wala kaming oras makipagsigawan. Para ano pa? Ang alam ko ang huling lumait sa mga duktor, mula sa newscaster na asawa ng natalong tumakbong politiko at sa BIR commissioner na ginawa kaming target , nabaon na sa limot. Hanggang dun na lang sila. Kami andito pa rin. Handang-handang magbakuna. Pero asan ang bakuna?” dagdag ni Jennifer. 

Narito ang kabuang post niya:

26,303 today. We keep fighting. But this time, I’m going to rant. Minsan parang pakiramdam namin iniwan na kami sa laban. . .

Wala ng patutunguhan. Kagabi lang namatayan kami ng pasyenteng anim na buwan na buntis, covid severe, kambal ang baby na parehong naka tubo ngayon sa NICU . May isa pang buntis na pasyente na nasa ICU dahil sa covid na CS, halos comatose at kelangan masalinan ng dugo. Kami-kami na rin nagdodonate ng dugo. Pagod, pawis, luha, pati dugo na puhunan namin sa labang ito. Ano pa ba kelangan nyo? Ilan pa??? Ilan patunay pa ba kelangan nyo lahat para mapatunayan na may covid. Na pag sinabi namin na magpa bakuna kayo, ibig namin sabihin ngayon na! Hindi pag may pfizer at moderna na. Dahil ayaw na namin makipagsisihan na “sinabi na namin sa inyo.” Gabi-gabi na lang kami na parang nag lalaro ng tetris para may maisingit na pasyente sa covid ward. Kada linggong naghihintay ng parang raffle kung sino sa mga residente namin ang positive sa weekly covid test.

At pag may nagpositive, pinoproblema naman ang kakulangan ng matitirang magtatrabaho pag lumabas ang contact tracing ng mga kelangan ma-quarantine sa aming hanay. Buti na lang bakunado kami . So medyo swerte puro mild lang pag may tinamaan sa ngayon kahit pakiramdam namin nagsswimming na sa hangin ang covid sa dami ng covid positive na pasyente namin ngayon. Hindi katulad ng mga covid severe namin pasyente, halos lahat walang bakuna. So ilan ulit ba namin sasabihin, vaccines work. Mukha ba kami mga bobo at madaling maloko para hindi kayo maniwala pag sinabi namin effective ang bakuna?

D namin alam kung ano ang mas masaklap, yun d nyo kami paniwalaan o yun mga politikong nagagawa pa kaming sigawan! Mahirap ba intindihin? Na wala kami pakialam sa politika! Na wala kaming oras magpabango sa masa d katulad ng mga tumatakbong trapong mas makapal pa ang mukha kesa sa taba nila! Pasalamat na lang sila wala kaming oras makipagsigawan. Para ano pa? Ang alam ko ang huling lumait sa mga duktor, mula sa newscaster na asawa ng natalong tumakbong politiko at sa BIR commissioner na ginawa kaming target , nabaon na sa limot. Hanggang dun na lang sila. Kami andito pa rin. Handang-handang magbakuna. Pero asan ang bakuna? Kaya….

Minsan parang pakiramdam namin iniwan na kami sa laban. . .Makapag Hospital Playlist na nga lang….

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here