Home News National Ina ng Batang Magsasaka, Kung kelan na maraming tumulong sa kay Reymark...

Ina ng Batang Magsasaka, Kung kelan na maraming tumulong sa kay Reymark tsaka babawi sa anak, Netizens Naiinis

90
0

Nitong nakaraang araw ay ipinakita ng nasabing palabas kung gaano kadami ang tulong na dumating kay Reymark matapos maantig ang mga tao sa kanyang istorya.

Nabago ang buhay ng batang magsasaka na si Reymark isang linggo matapos itampok ang kanyang buhay sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Umaabot sa daan daang libong piso ang nakalap na donasyon ng ilang grupo na nagpakita ng mabuting puso sa bata.

May isa ring grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Canada ang nagpakita ng intensyon na dalhin si Reymark sa nasabing bansa kung gugustuhin niya.

Matatandaan na pinanood ng milyon milyong netizens ang buhay ni Reymark dahil sa napilitan siyang mag araro sa murang edad.

Napilitan siyang magtrabaho sa murang edad dahil wala na siyang ama at ina.

Ang kanyang ama ay nawawala dahil nahuli ito ng mga otoridad habang ang kanyang ina ay iniwan sila at nagpakasal sa iba.

Kaya naman tila may mga netizens na hindi natuwa ng ipakita sa part two ng episode ng buhay ni Reymark ang pagbabalik ng kanyang ina.

Sa nasabing episode ay maiyak iyak pa ang kanyang ina habang niyayakap si Reymark na nag araro ng dalawang taon at nakaranas na din mag ulam ng asin dahil sa kahirapan.

“Humihingi ako ng patawad sa’yo. Sorry na iniwan kita kina Lolo at Lola,” sabi ng ina ni Reymark.

Nangako naman siya na babawi siya sa kanyang pagkukulang sa mga anak niya.

Ngunit hindi kumbinsido ang mga netizens at nagdududa sila sa tunay na pakay ng ina ni Reymark.

May ilang netizen din ang binanggit ang Republic Act 7610 ay kung saan ay nakasaad na hindi dapat pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magtrabaho ng mabibigat na maaring makaapekto sa kanilang development.

Pero may mga netizen din na ipinagtanggol ang ina ni Reymark at sinabi na hindi naman daw alam ng iba ang buong istorya.

Isa din si Reymark sa mga nakisali sa pagtatanggol sa kanyang ina at sinabi na masakit sa kanya na binabatikos ang kanyang ina sa social media.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here