Home Raffy Tulfo Ilang mga Doktor dudang bungo, kalansay ni Jovelyn Galleno natagpuan

Ilang mga Doktor dudang bungo, kalansay ni Jovelyn Galleno natagpuan

552
0

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sa nawawalang dalagang si Jovelyn Galleno ng Puerto Princesa City, Palawan ang mga bungo, kalansay at personal na gamit na natagpuan sa Sitio Pulang Lupa, Brgy. Sta. Lourdes nitong Martes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, huli umanong nakita ang dalaga na sumakay ng chocolate brown Toyota Innova noong Agosto 16, 11 araw matapos siyang iulat na nawawala.

Sa inilabas na statement, sinabi ng Puerto Princesa City Police na hihintayin nila ang resulta ng patuloy na forensic investigation sa mga narekober na labi ng isang tao na tila itinapon sa isang open field at nasa skeletal stage na ng decomposition.

Kabilang din umano sa narakober ang ilang personal na gamit tulad ng wallet, identification card, vaccination card at iba pa.

Ilang doktor naman, ayon sa Palawan News report, ang duda na ang mga buto at kalansay ay kay Jovelyn dahil hindi posibleng magbago ang katawan ng tao sa ganoong estado sa loob lamang ng dalawang linggo.

Gayundin ang pananaw ng ilang netizens.

I hope that Jovelyn Galleno will be found alive, Please pray for her & If you know any information pls contact the police, the family or the number in the second pic

I don’t really think katawan ni Jovelyn Galleno yung natagpuang bungo. Smells fishy talaga. Mukhang binantaan yung kamag anak na akuin ang kasalanan di naman nila ginawa

Previous articlePANOORIN: Suspek sa Pagpatay kay Jovelyn Galleno NAHULI NA! Pinsan ni Jovelyn Galleno
Next articleNatagpuan Bungo at Kalansay ni Jovelyn Galleno, Isasailalim pa sa DNA Test