Home News National Ilalabas Na? Hawak na ni Pres. Marcos ang listahan ng mga rice...

Ilalabas Na? Hawak na ni Pres. Marcos ang listahan ng mga rice smuggler at kurakot na opisyal ng Department of Agriculture

885
0

Ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III na hawak na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalan ng mga ‘rice smuggler’ na isa sa mga dahilan ng problema sa agrikultura sa bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sotto na sa pagpupulong nila ng president-elect nitong Mayo 28 ay napag-usapan nila ang isyu ng agrikultura sa bansa.

Ibinahagi naman ni Sotto na isa sa mga problema na nakita nila noong sila’y nag-iimbestiga sa senado ay ang mga ‘smuggling’ ng mga produkto na ginagamit para sa agrikultura.

Makikita sa nasabing listahan ang mga pangalan ng mga opisyal sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa smuggling.

Tingin ni Sotto ay nababahala si Marcos sa kalagayan ng agrikultura sa bansa at sa mga namumuno sa DA.

Matatandaan na pinili ng hawakan ni Marcos ang Department of Agriculture (DA) dahil sa diumano’y malaking problema na kinakaharap ng bansa pagdating sa suplay ng pagkain.

Ikinatuwa naman ni Sotto ang naging desisyon ng susunod na pangulo dahil siguradong matutugunan nito ang problema sa DA.

Hindi naman malaman kung ilalabas nga ba ni Marcos sa publiko ang nasabing listahan.

Facebook Comments
Previous articlePANOORIN: 8 hi†-and-ɾuກ incidents, naitala sa loob ng isang linggo ayon sa PNP-HPG
Next articleAYAW MAINTERVIEW? PNP OIC Gen. Danao, iwas muna sa media

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here