Home News National Hindi Binigyan ng Dip£oma si Manny Pacquiao ayon sa Notre Dame University

Hindi Binigyan ng Dip£oma si Manny Pacquiao ayon sa Notre Dame University

181
0

Naging usap-usapan nitong nakaraang araw sa social media si Senador Manny Pacquiao dahil sa mga rebelasyon diumano nito laban sa kasalukuyang administrasyon.

Dahil dito ay ilan sa mga kaalyado ng administrasyon ang kinukuwestiyon ang kakayahan ni Pacquiao na diumano’y may plano na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa susunod na taon.

Isa na sa mga kinuwestiyon ay ang edukasyon ni Pacquiao at ang kursong political science na kinuha nito.

Sagot naman ni Pacquiao ay lehitimo na siya ay nakapagtapos ng kolehiyo at naglaan siya ng 11 na taon para matupad ito.

“Ako mahaba, 2008, i-check pa nila ‘yung record nag enroll ako ng college noong 2008, sa Notre Dame University sa General Santos City, check nila ‘yung record doon, pumapasok po ako araw araw noong 2008 noong nag college ako, after that noong natapos ko po ‘yung first year college naghanap po ako ng informal education dahil hindi ko po magampanan dahil active pa po ako sa boxing kaya nakakuha ako ng diploma 2019 na,” ani Pacquiao.

Matapos maungkat ang pangalan ng Notre Dame University ay naglabas ito ng pahayag at nilinaw na hindi sila nagbigay ng diploma kay Pacquiao.

“NDUU, obviously, did not grant Sen. Manny Pacquiao a college degree.” paglilinaw ng nasabing unibersidad.

Ayon sa kanila ay nag enroll lamang si Pacquiao sa kanila mula 2007-2008 at ang kinuha nitong kurso ay BSBA-Marketing Management Program.

Tumanggi din sila na ipakita sa publiko ang transcript ni Pacquiao dahil magiging labag ito sa polisiya ng kanilang eskwelahan at sa batas.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Pacquiao kung ano ang masasabi niya sa paglilinaw na ginawa ng Notra Dame.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here