Home News National Himas Rehas! Wedding Coordina†or na Ni£oko at Pinaiyak ang isang bagong kasal

Himas Rehas! Wedding Coordina†or na Ni£oko at Pinaiyak ang isang bagong kasal

178
0

Inaresto nitong Huwebes ang wedding coordinator na nanggantso umanon ng couple na ikakasal sa Cebu makaraan niyang magtangkang magpakamatay.

Dinakip si Naser Fuentes, 33, alas-4:15 ng hapon aa Sitio Sampaguita, Brgy. Casili, Consolacion kaugnay sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya noong 2013.

Nasakote si Fuentes dalawang araw makaraang niyang ma-scam ang couple na sina Cherry Pie Purisima at Arniel Satingasin, mga residente ng Minglanilla, Cebu.

Kinuha ng dalawa si Fuentes bilang kanilang wedding coordinator at binayaran ng P65,000 pero nalaman nila matapos ang kasal noong Setyembre 22 na wala itong na-book na lugar para sa reception.

Agad nag-viral ang video ni Cherry Pie na umiiyak nang madiskubre na naggantso sila ni Fuentes.Nitong Huwebes ay isinugod naman sa pagamutan ang suspek matapos magtangkang magpakamatay.

Walang piyansang inirekomenda kay Fuentes si Judge Ferdinand Rafanan ng Mandaue City Regional Trial Court Branch 55.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here