Glass skin na Pangarap, nauwi sa pamam@ga at nasµnog na mukha matapos gumamit umano ng pampaganda

    24
    0

    Marami sa mga pinoy ang pumuti at kuminis, kaya patok ngayon sa merkado ang mga produktong pampaganda.

    Kaya naman nagsilabasan ang iba’t ibang uri ng pampaganda at through online selling na rin ang bentahan ngayon.

    Sa social media maraming makikitang produkto ng pampaganda at dahil sa mga testimonya ng mga nakagamit na, kaya nahihikayat rin ang iba na sumubok.

    Isang produktong pampaganda ang usap-usapan ngayon dahil sa reklamo ng mga beauty user na sumubok sa naturang produkto. Imbes kasi na gumanda sila ay namaga at nasunog pa ang kanilang mukha.

    Sa post ng KMJS, makikita ang mukha ng dalawang dalaga na nagrereklamo dahil sa nasunog nilang mukha matapos gumamit ng pampaganda.

    Ayon kay Berna, nahikayat umano siya dahil nakita niya na nag-glow up ang mga gumamit nito at kuminis ang kanilang mga mukha.

    Ngunit noong ginamit na niya ang produkto ay mahapdi umano ito sa balat. Ang akala lang niya ay normal lang ito ngunit lumipas ang ilang araw ay nagsusugat na ang kanyang mukha.

    “Pero nu’ng ginamit ko siya, nahapdian agad ako. Tapos parang ang kati-kati niya!Sobrang tight ng feeling ng mukha ko, pati sa leeg ko. Nu’ng una, sabi nila, normal lang ‘yung parang nag-i-sting sa mukha,” saad ni Berna.

    “Pero pagkatapos ng ilang araw, parang kumapal siya tapos ang init nu’ng feeling!Nagsugat-sugat na talaga siya! Parang nasunog ng plantsa!” dagdag pa niya.

    Kwento naman ni Amy, nahikayat rin siyang gumamit ng pampaganda dahil nais niyang magkaroon ng kutis-Koreana.

    Aniya, nakakataas umano ng self-esteem kapag kuminis at mamula-mula ang kutis.

    “Gusto ko lang mag-glow up na parang sa mga Korean.‘Yung pinkish na skin. Kaya naisip kong gumamit nu’ng set na pampaganda. Para tumaas din po ‘yung self-esteem ko.”

    Ngunit hindi umano niya inakala na masisira pa ang kanyang mukha sa paggamit ng pampaganda.

    “Nu’ng unang gamit ko sa kanya, may konting hapdi. Tapos humapdi na nang humapdi ‘yung mukha ko! Sobrang init na ng feeling tapos ang kati niya!Hanggang sa namaga ‘yung mukha ko. Nangitim at nagda-dry at may namumuo nang balat sa mukha ko!” saad ni Amy.

    Source: KMJS

    Facebook Comments

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here