Home News Ex-envoy Marichu Mauro, says she regrets hurting household help

Ex-envoy Marichu Mauro, says she regrets hurting household help

26
0

Labis na nagsisisi at Humingi ng tawad si Ex-envoy Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro sa ginawang pananakit sa kaniyang kasambahay na kababata raw niya at parang kapatid na ang turing.

Aminado si Mauro na hindi niya nakontrol ang sarili at batid niyang mali ang kaniyang mga ginawa sa kasambahay.

“Hindi ko na-control ang sarili ko. I know it was wrong. It was really wrong. And I will ask for forgiveness. I am deeply remorseful of what happened,” anang dating opisyal.

Nitong Lunes, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaprubahan niya ang rekomendasyon na sibakin sa puwesto si Mauro at tanggalin ang mga benepisyo na dapat niyang makuha.

Oktubre 2020 nang bumalik sa Pilipinas si Mauro dahil na rin sa utos ng Department of Foreign Affairs matapos lumabas sa mga ulat ang video ng CCTV sa ginawa niyang pananakit sa kasambahay.

Ayon kay Mauro, batid niyang may CCTV sa tinutuluyan niya sa Brazil dahil siya mismo ang nagpalagay nito.

Paliwanag pa niya, halos kasabay na niyang lumaki ang kasambahay at parang kapatid na ang turingan nila. Pero ang naturang ugnayan ang isa ring dahilan kaya lumabis siya sa hangganan–bagay na hindi raw dapat nangyari.

“What the public does not know is that there were family dynamics involved. It is this familiarity that caused me to cross the boundaries that I would never cross,” paliwanag.

Aminado rin ang dating embahador na nakararamdam siya ng matinding stress nang mga panahong iyon na posibleng dulot na rin ng lockdown sanhi ng COVID-19 pandemic.

“So nagawa ko ‘yun and I deeply, deeply regretted my behavior. May mga wrongdoings tayo sa buhay natin. Wala naman sa ating perpekto. But pinagsisihan ko ‘yun. I regretted my behavior,” aniya.

Batid naman ni Mauro na walang ibang puwedeng ikatwiran sa kaniyang nagawa na sana ay hindi nangyari.

“Humihingi ako ng tawad sa inyong lahat. I have made amends already. I regretted my behavior,” aniya. “You know that only proves na tao lang talaga tayo at perhaps I was affected by the COVID lockdown that contributed to my stress, anxiety.”

Nakiusap din siya na huwag sanang husgahan ang buo niyang pagkatao dahil sa naturang insidente.

Sa loob ng 26 na taon niya sa serbisyo bilang diplomat, marami raw siyang ginawa para sa kapakanan ng OFWs.

“Buong buhay ko sa DFA was about overseas Filipino workers. That’s why I’m very sad that based on the video, people have this impression that I am a person cruel to overseas Filipinos. It is not true. And my work in the DFA will attest to that,” giit niya.

Hindi rin daw naging patas ang DFA sa pagdinig sa kaniyang kaso.

“I wish the DFA also considered the letters of support from overseas Filipinos attesting that I never mistreated anyone,” ayon kay Mauro.

“I also wish that the DFA considered my kasambahays own statements putting context on our relationship and how we regard each other. Unfortunately, lahat ng bagay na ito, the DFA did not do,” patuloy niya.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng DFA sa pahayag ni Mauro.

Pero sa isang tweet ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin, sinabi nito na may batas na kailangan ipataw sa nagkasala at karapatan umano ni Mauro na iapela sa korte ang kaniyang kaso

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here