Home News National DSWD Erwin Tulfo di pa lusot sa CA; tinawag pang ‘Mang Kanor

DSWD Erwin Tulfo di pa lusot sa CA; tinawag pang ‘Mang Kanor

3
0

NAGPATUTSADA ang brodkaster na si Jay Sonza kay Social Welfare Sec. Erwin Tulfo na naisapubliko ang buhay-pag-ibig sa pagdinig ng Commission on Appointments kung saan ay hindi pa rin ito nakalusot.

Ani Sonza sa Facebook post: “Makulay pala ang mundo ni Sek Erwin. Sundalong Kano. Convicted. Matulis. Mang Kanor din. Maraming panganay. Wala ng hahanapin pa.”

Naging popular si Mang Kanor ilang taon na ang nakararaan dahil sa kanyang mga s3x videos.

Sa nasabing hearing nitong Martes, ibinuking ni Surigao del Norte Rep. Johnny Pimentel na mayroong 10 anak sa magkakaibang babae si Tulfo.

Agad namang ipinagtanggol ng opisyal ang sarili at sinabing hindi nakakaapekto sa pagiging DSWD Secretary ang kanyang love life.

“When we’re young, we make mistakes, but I’m not ashamed to say I made mistakes and from that mistake, you have to make corrections and adjust and you have to bring it all the way until you grow old,” aniya pa.

Hindi pinalusot ng CA si Tulfo dahil sa ialng isyu na kinasasangkutan nito gaya ng kanyang citizenship at libel case na nakabinbin ngayon sa Korte Suprema.

Previous articlePBA LIVE: San Miguel VS Terrafirma | PBA COMMISSIONER’S CUP
Next articlePVL LIVE: PETRO GAZZ VS CREAMLINE | SEMI-FINAL REINFORCED CONF. | NOVEMBER 24, 2022