Home News National Delivery Rider ng Online, Nakatuluyan ang suking Customer

Delivery Rider ng Online, Nakatuluyan ang suking Customer

9
0

Mala K-Drama kung maituturing ang love story ng isang delivery rider sa sikat na online shopping portal mula sa Asingan Pangasinan matapos niyang pakasalan ang kaniyang customer na madalas lang niyang hinahatiran ng parcel noon.

“Hinahatiran ko lang dati ng parcel, ngayon asawa ko na.”

Tila ito ang mga salitang makakapag larawan sa pag-iibigan ng bagong mag-asawa na sina Marlon Cajucom, isang delivery rider ng Lazada, at Jhasin May Benito.

“Kahit sa panaginip kako, sabi ko hindi ko naman inexpect na papasinin ako nito [Jhasin]. Actually yun po talagang nasa isip ko na hindi ako papansinin nito sabi ko kasi maganda, mukhang hindi sanay magtrabaho, nagulat din ako na napakabait din niya napakaapproachable naman po madaling lapitan madaling kausapin” kuwento ni Cajucom.

Nitong Oktubre nang nakaraang taon, nagging regular customer ni Cajucom ang ina ni Benito na si Mary Grace.

“One time nakapagdeliver po ako sa kanila, late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagdedeliver pa ako noong time na yun. Natanong ako ni Mama Grace kung may asawa na ako, sabi ko wala pa po. Bakit daw ang sipag sipag ko eh wala pa naman daw ako binubuhay, ang sagot ko po noong time na yun kasama ko po sa pangarap yung magpursige buhay” dagdag pa niya.

Dahil dito, ipinakilala ni Mary Grace ang kaniyang anak na si Jhasin May kay Cajucom.

Makalipas umano ang limang delivery ng parcel ay unti-unti nang napalapit ang dalawa sa isa’t isa at dito na nga sila nagkatuluyan.

“Sa ibang ex ko kasi siya talaga yung mararamdaman mo talagang yung care niya tapos talagang pursigido po siya. Sobrang effort po siya noong nanliligaw siya sa akin kahit sobrang busy siya, nagdedeliver [pa rin] ng flower sa bahay tsaka ramdam mo naman talaga yung love” saad ni Benito.

Nitong Martes, Enero 26, kinasal ang dalawa.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here