Home News Dating OFW, Nanghihingi ng Tulong Matapos itong Mad!sgråŠyå at Måhµlog sa Dating...

Dating OFW, Nanghihingi ng Tulong Matapos itong Mad!sgråŠyå at Måhµlog sa Dating Trabaho

27329
0

Dahil sa kahirapan sa buhay na nararanasan ng ating mga kababayan sa bansang ating sinilangan ang Pilipinas, maraming mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para makahanap ng medyo malaking pagkakitaan para may pangsuporta sa gastusin at pangangailangan.

38- Anyos na dating OFW, ngayon ay nanghihingi ng tulong dahil sa kanyang kalagayan ngayon. Kinilala ito na si Annalyn, may apat na anak at kasalukuyang nakatira sa Agusan, Del Sur. Kwento ng mga kaibigan ni Annalyn ay dati itong OFW at nag tatrabaho sa abroad. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari nadisgrasya ito at nahulog sa hagdan na nading dahilan ng pagkabali ng ilang bahagi ng kanyang Spinal Cord.

Dahil sa aksidenteng iyon ay napilitang umuwi si Annalyn dito sa Pilipinas. Pero dahil sa kakapusan sa pera ay hindi na nya nagawang makapag pagamot. Pati narin ang kanyang mga kamag anak ay hindi sya magawamg matulungan sapagkat hirap din dahil sa pandemya.

Kaya ngayon ay nais nilang humingi ng tulong upang makabili sila ng mga gamot at pagkain ng kanyang mga anak sa araw araw at sana ay makapag pa opera sya at makasama nya pa ng matagal ang kayang mga anak.

Narito ang kabuuang post ni Crystal Clair Chua :

hello po magandang araw. nawa’y matulungan nyo po ang isa sa aming kasamahan. na ngayoy nahihirapan dahil sa kanyang sitwasyon.
sya po si Annalyn Precioso Otacan 38 yrs old may apat na anak at kasalukuyang naninirahan sa purok-4 labnig Talacogon Agusan Del Sur. naulog po siya sa hagdan nong nag tatrabaho po siya abroad at mag nabali sa kanyang spinal cord kaya po siya naging ganyan. kailangan po siyang iperahan pero wala po silang pera. may mga kamag anak naman po pero walang wala din po dahil sa pandemic.

sana po ay matulongan nyo po siya. sana po ay makatulong ang inyong programa para po mapahaba pa ang kanyang buhay. dahil nais nya pa pong mabuhay nang mahaba para sa kanyang mga anak. ngunit ang sakit nyang ito ang nagiging dahilan upang hindi matupad ang kanyang pangarap sana po maging tulay kayo para sa kanya. maraming salamat po sa inyo. sa lahat nang mag sshare at tutulong. kahit unti unti lang po . GOD BLESS po sa inyong lahat.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here