Home News National DAR, Mamimigay ng 3 ektaryang lupang sakahan sa mga Fresh Graduate ng...

DAR, Mamimigay ng 3 ektaryang lupang sakahan sa mga Fresh Graduate ng Kursong Agrikultura

8
0

Mamahagi ng tig-tatlong ektaryang lupang sakahan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magtatapos ng agricultural courses.

Nais ng DAR na mabigyan sila ng magandang simulain at magamit ang kanilang propesyon sa kanilang bukirin.

Naniniwala si Agrarian Reform Secretary John Castriciones, na magbibigay din ng sigla ang insentibo para makamit ang food security ng bansa.

Ang alok para sa mga magtatapos ng kursong agrikultural ay inanunsyo ni Castriciones nang mamahagi ito ng Certificates of Land Ownership Award sa mga agraraian reform beneficiaries sa Barangay Bantay, Boac, Marinduque.

Layon din nito para mahimok ang mga kabataan na yakapin at mapalakas ang sektor ng pagsasaka.

Ipinakita sa pag-aaral na maraming kabataan ngayon ay mas gustong kumuha ng non-agricultural courses dahil sa paniwala na walang kasiyahan sa pagsasaka.

Pinangangambahan ng DA-Agricultural Training Institute na magkaroon ng kakulangan ng mga magsasaka ang bansa sa susunod na 15 taon kung magpapatuloy ang kalakaran.

Meanwhile, President Duterte distributes 102,727 hectares of agri lands in MindanaoAgrarian Reform Secretary John Castriciones said this is the first turnover of the CLOAs, which were deposited first to the Land Bank of the Philippines.

Ito naman ang mga reaksyon ng mga netizens:

Antonio Damasco Pahintuin ninyo mga Villar sa pagdevelop at paggawa ng subdivisions, inuubos nila ang mga lupang sakahan. Wala nang mga bukid, puro na lang condominium, mall, etc, pag sa bundok magtanim, makikinabang gobyerno ni Joma

Buningning Backyard Kung saan dapat nakatira doon malapit ibigay ang lupa baka nman nasa batangas tapos lupa na ibibigay eh nasa la union

Marzh Apr pakisiguro nalang po secretary na gamitin ang lupa sa pag tanim ng maiz, palay kamote iyong basic na pagkain ng pilipino, ang nangyayare kasi sa iba e bigyan ng lupa hindi naman sila ang nagtatrabaho, yong iba pinarentahan bininta, iyan totoong nangyare.

Noel Mercado Yun bukid namin sa Isabela.. katagal ng inaagaw, hawak namin original papeles pero ang DARAB ayaw iproclaim na sa amin yun Lupa..haysss

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here