Home News International Col. Bosita Nagsalita na sa Pasaring ni Bong Nebrija sa kanya sa...

Col. Bosita Nagsalita na sa Pasaring ni Bong Nebrija sa kanya sa social media

58
0

Nagsalita na sa unang pagkakataon at pumalag ang retiradong pulis na si Col. Bonifacio Bosita matapos siya pagbantaan na sasampahan ng reklamo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic czar Col. Edison Bong Nebrija.

Ayon sa kanyang social media post, ipinakita ni Bosita ang isang artikulo mula kay Dan Torio kung saan ay makikita ang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino na sinusubukang i-contest o kwestiyonin ang huli sa kanila ng mga enforcer.

Ayon kay Torio ay ang ticket ang nagkakahalaga ng 500 ngunit kung naniniwala ka na mali ang enforcer na sumita sa’yo ay kailangan mo itong i-contest.

Paliwanag ng netizen ay maaring lumiban sa trabaho ang isang indibidwal kung susubukan nitong kwestiyonin sa MMDA ang kanyang huli.

Sa kanyang kalkulasyon ay aabot ng 1,900 pesos ang magagastos ng isang taong nagco-contest ng kanyang huli kaya’t ang iba ay napipilitan na lamang bayaran ang ticket kahit na naniniwala sila na wala naman silang kasalanan.

Dito na nagsalita si Col. Bosita at sinabi niya na ang post ni Torio ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya sang ayon sa pinipilit ni Nebrija na sundin ang diumano’y due process sa pag-contest.

Ayon sa kanya ay kung susundin ng mga motorista ang mungkahi ni Nebrija ay lalo lamang silang maaabala.
“Makikita ninyo sa ibaba ang TUNAY NA DETALYE at dahilan kung bakit hindi ako sangayon sa sinasabi ni COLONEL NEBRIJA na due process.

Alam yan ng marami pero hindi yan alam ng mga hindi suma-sangayon sa IPINAYO KO sa Enforcer na bayaran na lamang ang danyos sa kapatid natin.” ani Bosita.

“Sa umiiral na sistema na nais niyang mangyari (due process) ay laging talo at kaawa-awa ang mga kapatid nating motorista kahit na walang paglabag, hindi naman pinapanagot ang Pulis o ang Enforcer na nagkasala sa panghuhuli,” dagdag niya pa.

Ilang araw lamang ang nakakaraan ay sinabi ni Nebrija na magsasampa siya ng reklamo kay Bosita kung mangingialam muli siya sa mga ginagawa ng mga MMDA enforcer sa EDSA.

Matatandaan na sinabi ni Bosita sa isang traffic enforcer ng MMDA na kailangan nitong bayaran ang isang araw na sweldo ng kanyang hinuli na motorista dahil ang angkas nito ay hindi nakasoot ng sapatos.

“Ilabas mo ang batas na nagtatalaga sayo ng kapangyarihan na pagbayarin ang enforcer namin ang isang araw na sweldo ng hinuli nila, baka usurpation of authority ka boy para iutos at ipilit sa enforcer namin yan.” ani Nebrija.

“Kung may problema ka sa huli namin bilang dating pulis at myembro ng HPG alam mo dapat sa adjudication nireresolba yan at wala kang karapatan pakialamanan huli ng enforcer namin.

Kapag mali enforcer namin yaan mong yung hearing officer maresolution nyan at di ikaw. Eh kung gusto mong maghearing officer, eh magapply ka sa MMDA at di yung nagpapasikat ka sa YouTube. Marami ka bang views? Malaki na ba kita? Pangpondo na sa eleksyon?  Dapat din daw ay mag apply itong hearing officer ng MMDA kung gusto niya talagang makatulong at hindi idaan sa kanyang mga vlogs ang “pagpapasikat”.” agdag niya pa.

Ito naman ang mga reaksyon ng mga netizens sa sinabi ni Col. Bosita:

GL Regie CatapatSir col. Bonifacio BositaAng problema d Nila Alam kung nakakapurwisyo sila sa kapwaNakita ni kapatid na bong ang sinasabi nyang perwisyo sa tao nya pro nakita ba nya ang perwisyo na ginawa ng tao nilaYan naman ang dapat mag bayad ang enforcer alangan naman pinurwisyo at inabala Nila ang motorista ng gayun gayun nlangOh bka naman kasama narin sya sa nabubulok na kamatis.

Ron GarciaBakit po dati lagi mong sinasabi sa mha rider na kapag nahuli ay wag makipagtalo sa enforcer/pulis sa halip ay mag contest? Tapos ngayon naman sasabihin mong di ka sang ayon sa due process?

Drexler Rene Tersonamadaming maling huli. tpos ng dahil sa tsinelas gusto i viral ng kabilang grupo n masira c col. oo dati cnsbi nila di nharap sa mga pagdinig c col. cguro kasi ns serbisyo p xia nun. mali nmn cguro n ns serbisyo kp ikaw pa kakaklaban sa co-government worker mo. cla puro pag sasampa ng kaso karapatan ng rider tama nmn yun. pero tama din nmn c col. na akto nya natutulungan ang mga rider sa maling huli at iba pa. kaya di na kelangan mag siraan, PAREHO lng kayo nakakatulong sa mga rider(malaking grupo sa kbila n naninira) . kaya wag n kayo mag siraan. kung patuloy siraan nyo pero pareho nmn kayo nkktulong bk may halo ng inggit dahil sa popularity.. di mo kelangan mainggit sa nggwa ng iba kung tunay ang malasakit mo, ayw nyo nun may katuwang kayo sa pag tulong tpos isang mali i viral nyo. bkit? dahil mas naging popular c col.. comment lng po. dahil pra sakin pareho kayo may tulong sa mga rider.

Francis Lopezpero dati ka sir na pulis dba sinusunod nio dun ay due procces?kaya nga yan ang pagtuunan ng pansin ng mga lider sa riding community ung magawan ng resulotion na pag mali huli e maibalik ang halaga ng abala sa mga rider at driver

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here