Home News National Chief Eleazar, Pina-iimbis†igahan na ang Pulis nag-mas†urbate sa harap ng saleslady

Chief Eleazar, Pina-iimbis†igahan na ang Pulis nag-mas†urbate sa harap ng saleslady

573
0

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang Police Regional Office (PRO-5) na isailalim sa psycho-fitness test ang pulis na iniulat na nag-masturbate sa harapan ng isang saleslady sa isang mall sa Legazpi City.

Ito’y matapos na makarating sa kaalaman ng PNP chief ang insidente na kumalat sa social media.

Ayon sa PNP chief, pulis man o sibilyan, walang tao na nasa matinong pag-iisip ang gagawa ng ganitong klase ng kalaswaan.

Kaya aniya ipinasailalim niya sa medical intervention ang nasabing pulis upang maagapan kung ano man ang kanyang pinagdadaanan.

Kasabay nito, humingi ng dispensa si Eleazar sa biktima, sa kanyang pamilya, at maging sa mall management, sa maling inasal ng pulis.

Matatandaan sSa report ng Brigada News FM Legazpi, nagkubli sa isang lugar sa second floor ng nasabing business establishment ang pulis saka nagmasturbate sa harap ng sales lady na si alyas Mahinhin.Nakuhanan pa umano ng CCTV footage ang insidente pero minarapat ng magkabilang panig sa naging pag-uusap na huwag na itong ilabas.

Nakarating na rin sa Police Regional Office 5 ang report at ayon sa tagapagsalita nitong si Police Major Malu Calubaquib, naaksyunan na ang reklamo at hinihintay na lamang ang pormal na paghahain ng kaso laban sa suspek.

Samantala, hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye ang PNP hinggil sa pagkatao ng suspek, kung saan ito nakadestino at kung ano ang posibleng rason sa ginawa nito

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here