Home News National BINATIKOS SI HOUSE SPEAKER VELASCO MATAPOS IPAGTANGGOL ANG MAKABAYAN BLOC

BINATIKOS SI HOUSE SPEAKER VELASCO MATAPOS IPAGTANGGOL ANG MAKABAYAN BLOC

31
0

Umulan ng batikos ang natanggap ni House Speaker Lord Allan Velasco matapos nitong ipagtanggol ang Makabayan bloc sa red-tagging.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa naging engkuwentro ng militar sa pagitan ng komunistang grupo kung saan napatay ang anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na si Jevilyn.

Sinabi kasi ni Lorenzana, nagkaroon na ng matibay na basehan na sumusuporta ang Makabayan bloc sa Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA).

“Actually dahil sa nangyari ngayon, anak pa ng congresswoman na Makabayan ‘yung namatay,yung red-tagging namin ay may basis.May basis na sila ay sumusuporta, ‘yung Makabayan, sinusuportahan nila itong CPP-NPA at saka ‘yung tinatawag na armed struggle ng NPA,” paliwanag ni Lorenzana.

Sa mga kaalyado kasi ng administrasyong Duterte tanging si Velasco lamang ang umalma sa red tagging isyu sa Makabayan bloc kung saan iginiit nito na walang sapat na ebidensya laban sa mga progresibong mambabatas, at binalaan pa nito si Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon.

“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations. General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,”nauna nang pagtatangol ni Velasco.

Makabayan bloc dinepensahan ni Speaker Velasco vs red-tagging - REMATE  ONLINE

Dahil dito, hinamon si Velasco na magkasa ng imbestigasyon gayong si Pangulong Rodrigo Duterte na mismo ang nagbunyag na front organization ng CPP-NPA ang Makabayan bloc.

“take the cue and initiate expulsion proceedings na. Its ok if your move will be challenged along the way,ang importante you did your part in our effort to rid our society of this long standing menace”pahayag ni Mark Lopez.

Narito naman ang Banat ni Pangulong Rodrigo Duterte:

Source: DWIZZ

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here