Home News National Biglaang paglubo ng presyo ng pagkain sa palengke, dapat pigilan ng DA...

Biglaang paglubo ng presyo ng pagkain sa palengke, dapat pigilan ng DA at DTI

22
0

Kinalampag ni Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture o DA at Department of Trade and Industry o DTI.

Ito ay para pigilan ang biglaang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa kabila ng report ng Philipine Statistics Authority o PSA na nasa 2.5% lang ang inflation rate nitong Oktubre-Nobembre

Base sa survey sa mga palengke sa Quezon City, San Mateo at Maynila na isinagawa ng tanggapan ni Marcos, ay lumitaw na sumipa sa 33.3% hanggang sa 200% ang presyo ng mga gulay.

Tumaas naman mula 13.3% hanggang 100% ang presyo ng baboy, manok at baka sa mga palengke habang ang presyo ng isda ay tumaas naman ng 25% hanggang 33.3%.

Dahil dito ay hinahanap ni Marcos ang price monitors na lubos na kailangan ngayong nakaka-apekto na sa presyo ng mga bilihin ang paghagupit ng mga Bagyong Quinta, Rolly at Ulyesses

Presyo ng gulay at karne, tumaas dahil sa pagpasok ng tag-ulan - Radyo La  Verdad - Radyo La Verdad

Updates as of November 25

Sa kabila ng ipinatupad ng price freeze, Nagkaroon pa rin ng pagtaas sa presyo ng mga karne at gulay sa Luzon

Batay sa report, lumagpas pa sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng mga karne at gulay sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila sa kabila ng idineklarang state of calamity dahil sa mga nagdaang bagyo, kung saan otomatikong iiral ang price freeze sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nabatid na naglalaro sa P350 hanggang P380.00 ang presyo ng kada kilo ng karneng baka, gayong nasa P300.00 lamang ang SRP para sa kada kilo nito.

Halos magkasing-presyo naman ang baka at baboy, kung saan pumalo na sa P380.00  ang presyo ng kada kilo ng pigue o kasim, gayong nasa P260.00 kada kilo naman ang SRP nito.

Dumoble rin naman ang presyo ng kada kilo ng gulay:

–           Ampalaya, P200.00 kada kilo

–           Talong, P140.00  kada kilo

–           Pechay, P140.00 Kada Kilo

–           Kamatis, P100.00 kada kilo

–           Repolyo, P120 hanggang P130.00 kada kilo

–           Carrots, P120.00 kada kilo

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here