Home News National ‘BAWAL DAW MAGNAKAW, PERO MANAKOT AT MANAKIT PWEDE?’

‘BAWAL DAW MAGNAKAW, PERO MANAKOT AT MANAKIT PWEDE?’

43
0

Binalaan ng isang netizen ang mga kapwa niya pasahero laban sa isang lalaki na humihingi ng limos sa loob ng mga pampasaherong jeep na may bitbit na patalim sa Cainta, Rizal.

Sa Facebook post, sinabi ni Aey Chop na sakay siya ng jeep na mula Sta. Lucia Mall nang sumabit ang isang lalaki sa bahagi na ng Karangalan, Cainta.

“Nanghihingi ng limos, kesa daw magnakaw.

Namahagi na ng sobre. Hindi naman namilit sa iba. Pero nuong may nakitang lalaki sa tapat ko na mukhang may kaya at hindi nagbibigay, nanakot na may kutsilyo daw sya sa bag,” kwento ni Aey Chop.

Sa takot, nagbigay na lang ang lalaki, dagdag niya.

Agad naman niyang inilabas ang cellphone para kunan ng larawan ang lalaki.

“Bigla lang lumingon sa ibang bahagi kaya dko nakunan ang buong mukha. Maraming tattoo sa kamay ang lalaking ito,” aniya.

Nanawagan naman si Aey Chop sa mga otoridad na bantayan ang nasabing ruta para hindi na makapangbiktima ang mga ganitong tao.

Previous articleLISTAHAN ng mga APLIKANTE na nakapagrehistro online para sa DSWD Educational Assistance, Western Visayas
Next articlePBA Live: Bay Area Vs NorthPort | September 24, 2022