Home News National Batang Estudyante, naiyak sa stress sa dami ng sasagutan na katanungan sa...

Batang Estudyante, naiyak sa stress sa dami ng sasagutan na katanungan sa kanyang module

9
0

Hindi nakaila ng isang batang estudyante ang kanyang pakiramdam matapos niyang makita ang dami ng kanyang sasagutan na katanungan sa module.

Sa isang social media post sa Facebook video na ibinahagi ni Claudine Julia Salazar Quilab, makikita ang bata na umiiyak at tila nagrereklamo na sa kanyang mga magulang dahil sa dami ng kanyang kailangang sagutan.

Inihagis na rin ng bata ang kanyang lapis at tuloy tuloy ito sa pagrereklamo sa kanyang ama.

Ngunit maririnig sa background na hindi pumayag ang ama ng bata na tumigil siya sa pag aaral.

“Kung umiyak ka, may maidagdag ba ito sa iyong mga sagot?” sabi ng ama ng bata.

Hanggang sa magtapos ang video ay hindi mapigilan ng bata na gumalaw galaw dahil sa hindi na niya alam ang kanyang gagawin upang mapagbigyan siya sa pahinga na kanyang hinihingi.

Ayon sa uploader ay 11 na subjects/modules kada linggo ang kailangang tapusin ng bata ngunit binibigyan naman nila ng tamang oras ng pahinga ang estudyante.

Umabot ng 10,000 reaction at 24,000 shares ang nasabing video.

Sa ilalim ng new normal classes ay kailangan ng mga estudyante na sagutan ang module na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga guro dahil imposible na magkaroon sila ng face-to-face learning.

Panoorin dito:

Ito naman ang mga reaksyon ng mga netizens:

Thin CaballeroMahirap kasi mga sinulat ng mga guro tas may meaning tas lagyan pa ng characteristics bawat isa ang mga answers. Kapatid ko na babae hirap sa net sa bundok kaya minsan ako nalang ng research pasa sa knya tas mahaba pa isulat na namn nia sa papel subrang stress talaga

Giedah Mae S. SaligBeh Claudine Julia Salazar Quilab viral ah. DepEd will take a look into this. Baka gawin nila tong subject for a study to improve their strats. Baka mamigay na talaga ang gobyerno nang laptop. 

Giedah Mae S. SaligClaudine Julia Salazar Quilab module has it’s advantage and disadvantages.. this is just for this season. DepEd wants to give a continuous learning.. but feeding them with bulks of paperwork at fences of their homes makes them sick esp.that they’re not used to it. Home for them is freedom. Nonetheless, this is another way for them to compose and get serious on their studies.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here