Home News National BANAT NI PACQUAIO SA IBANG KANDIDATO: ‘PURO KAYO LANG KAYO PANlNlRA’

BANAT NI PACQUAIO SA IBANG KANDIDATO: ‘PURO KAYO LANG KAYO PANlNlRA’

143
0

Hinimok ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang mga katunggali sa pagkapangulo na tigilan na ang paninira sa isa’t isa.

Ito ay matapos ba†ikusin sa social media ang isinagawang Eastern Sunday press briefing nila Sen. Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at dating defense secretary Norberto Gonzales kung saan ay bina†ikos nila ng sabay sabay si Vice President Leni Robredo dahil sa diumano’y alok sa kanila ng bise na umatras na lamang sa pagtakbo.

Ayon kay Pacquiao ay hindi niya daw magagawa na ‘maniɾa’ ng kapwa kandidato at kung may batikusin man daw siya ay totoo naman daw ang kanyang sinasabi.

Tinawag din ni Pacquiao na hindi totoo ang mga tirada ng mga nasabing kandidato laban kay Robredo.

“Nang-aatake din naman ako ng kandidato. Kung tinatanong ako, sinasabi ko lang yung totoo. Huwag lang tayo gagawa ng kuwento,” ani Pacquiao. “Pangit sa kandidato na manira ka nang manira sa kapwa mo na walang basehan, hindi naman totoo,” sabi pa ng pambansang kamao.

Naniniwala si Pacquiao na dapat ay ang desisyon ng mga botante ang manaig at huwag na sanang himukin pa ang isa’t isa na umatras sa pagtakbo.

Matatandaan na isa si Pacquiao sa mga diumano’y pinapaatras ng kampo ni Robredo.

“Yes na-approach na ako, hindi ko naman pwede sabihing hindi ako in-approach ninuman. Merong nag-approach sa akin… si Leni. Pero hindi katanggap-tanggap kay Manny,” ani Lito Atienza, ang ka-tandem ni Pacquiao.

“Naghahanap din sila ng parang re-shuffling eh. I tried delivering the message. Sabi ni Manny, ‘Matalo tayo kung matalo, pero ayoko namang manalo dahil sa negosasyon.’ That was an answer that I had to respect,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
Previous articleBUKlNG! ININDORSO SI ROBREDO PARA SA PRANGKISA?
Next articleHINDI NAGTATAPAT?! NCRPO, sinabing nasa 100,000 ang dumalo sa rally ni Robredo sa Pasay