Home News National AYAW MAINTERVIEW? PNP OIC Gen. Danao, iwas muna sa media

AYAW MAINTERVIEW? PNP OIC Gen. Danao, iwas muna sa media

53
0

Iiwasan muna ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Police Lieutenant General Vicente Danao, Jr. ang pagharap sa media, matapos ma-bash sa social media kaugnay ng pagsuko sa kanya ni Jose Antonio San Vicente, ang driver ng SUV na nanagasa sa security guard sa Mandaluyong.

Sa pakikipag-usap ni Danao kay PNP Press Corps President Mar Gabriel, sinabi ng heneral na anuman ang kanyang sabihin ay babatikusin pa rin siya dahil sa galit ang mga netizen kay San Vicente, kaya hindi muna siya magpapa-interview.

Ang pakikipag-usap ni Danao sa PNP Press Corps ay kasunod ng insidente kahapon sa presentasyon ng mga bagong sasakyan ng PNP sa Camp Crame, kung saan nakapagbitiw ng hindi magandang salita si Lt. Gen. Danao nang hingan ng interview ng mga reporter.

Sa isang statement, nagpahayag ng pagkadismaya ang PNP Press Corps sa inasal ni Danao, kasabay ng pag giit na patas ang lahat ng ulat na kanilang inilalabas sa kaso ni San Vicente, at walang dahilan para pagbuntunan sila ng galit ng heneral.

Paliwanag naman ni Danao sa PNP Press Corps, na hindi niya nagustuhan nang magtangka ang mga mamamahayag na interviewhin siya habang isinasagawa ang programa.

Nagpahayag din si Gen. Danao na bukas siya sa pakikipag-usap sa PNP Press Corps, upang mapanatili ang magandang samahan ng PNP at mga mamamahayag sa paghahatid ng makatotohanang impormasyon sa publiko.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/pnp-oic-gen-danao-iwas-muna-sa-media?fbclid=IwAR0H4_lc7iJeLPbhY0JmKfXTQAkgJ05ckxxgZn0jKwK_cikShPBMXGydTCg

Facebook Comments
Previous articleIlalabas Na? Hawak na ni Pres. Marcos ang listahan ng mga rice smuggler at kurakot na opisyal ng Department of Agriculture
Next articleBakit nga ba kasi na-Ƅash si Gen. Danao?. Ben Tulfo, Ipinaliwanang!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here