Home News National Alamin: Pwede ba bakunahan or magswab test sa pwet?

Alamin: Pwede ba bakunahan or magswab test sa pwet?

3
0

Usapang pwet Swab test daw sa pwet? Bakit may virus ang pwet? Kung uutot magspread ba ang virus? Parang weird naman. Personally I also don’t agree. Pero explain ko lang kung bakit pwedeng umabot ang virus sa pwet. May matutunan po kayo dito about ubo o pulmoniya at kung bakit lumalabas ang plema sa pwet. Pwede ba bakunahan ang pwet?

Panoorin ang explanasyon ni Dr. Richard Mata:

https://www.facebook.com/drmataexplains/videos/1336511763384835

Samantala, Pinal na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi isapubliko ang kanyang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kaya kailangang pribado itong isagawa ay dahil sa puwet umano magpapaturok si P-Duterte.

“I think so, he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public,” saad ni Roque.

Aniya, personal na desisyon ng Punong Ehekutibo na magpabakuna in private.

Una nang sinabi ni Vice President Leni Robredo na mahalagang makita ng tao na ang pangulo ang unang mabakunahan ng COVID-19 vaccine para tumaas ang kumpiyansa ng mga Pilipino na magpabakuna.

“Well, sa communication plan po, importante ang Presidente. Kung napapansin ninyo, iyong ating kampaniya na ginawa dito sa OPS, iyong ingat-buhay para sa hanapbuhay, in the end, the endorser was the President himself na nagsasabing tatlong salita lang naman ‘no – Mask, hugas at iwas,” diin ni Roque.

“So sa mga ganoong paraan po, we recognize that the President is the best communicator for the NTF and our anti-COVID -19 efforts,” banggit pa ng kalihim.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here