Home News National Aktibista si Ka Leody De Guzman hindi kilalaning Presidente at Bise-Presidente si...

Aktibista si Ka Leody De Guzman hindi kilalaning Presidente at Bise-Presidente si BBM at Sara Duterte

119
0

Ilang araw matapos mag-concede ang kilalang labor rights activist na si Ka Leody de Guzman, isang makahulugang mensahe ang binitawan nito sa kanyang mga taga-suporta. Matatandaang hindi pinalad magwagi si de Guzman sa pagtakbo nito bilang Pangulo ng Pilipinas sa nagdaang Halalan nitong Mayo 9.

Ayon sa Facebook post ni de Guzman, lalabanan niya umano ang pamahalaan at ang mga patakaran nito.

“Hindi ko kikilalanin bilang pangulo at bise-pangulo si Bongbong Marcos at si Sara Duterte. Lalabanan ko ang gobyerno niya at kanyang mga patakaran at hindi ako kailanman magkakaroon ng ilusyon na magkakaroon ng pagbabago sa buhay ng masang Pilipino,” saad ni de Guzman.

Matatandaang ikalawang beses nang pagkabigo ito ni de Guzman sa pambansang halalan matapos siyang matalo rin sa ginanap na 2019 senatorial race.

Sa ilang ulat ng Rappler, nauna nang sinabi ni de Guzman na magiging mahirap umano ang laban na ito para sa kanya.

“May pagtanggap naman ako na itong laban na ‘to ay magiging mahirap para sa akin, uphill na battle ito at hindi naman p‘wede na one click, mababago ‘yung mga pananaw, pag-iisip, kultura ng ating mga botante na mahabang hinulma sa ganitong klase ng eleksiyon mayroon tayo,” saad ni de Guzman.

“Hindi p’wede talaga na maasahan ang mga trapo at mga political dynasties, ang mga bilyonaryong pulitiko. P’wedeng manalo nga lang sa eleksiyon, pero sa panunungkulan nung ipinanalo, bigo ka. Kaya ang panalo lang dito na kakatapos lang ay sila pa rin,” dagdag pa ng labor leader.

Samantala, umani naman ng iba’t ibang reaksiyon ang pahayag na ito ni de Guzman patungkol sa hindi pagkilala sa magiging mga bagong manunungkulan sa bansa. May ilang sumasang-ayon sa kanya at mayroon din namang hindi.

Saad ng ilang netizens, mananatili umano silang nasa tabi ni Ka Leody at patuloy na lalaban. Komento naman ng iba, bilang Pilipino umano ay nararapat lamang na igalang ang demokrasya at kapasiyahan ng nakararami.

Ayon pa sa isang netizen, ang tunay umanong nagmamahal sa kanyang bansa ay makikipagtulungan sa pamahalaan para sa ikabubuti at ikauunlad ng Pilipinas at ng mga Pilipino.

Hermana Ana Dela CruzPagpupugay! Kasama’t kaisa niyo po kami! 

Charlotte Dagsa ElicanoI respect you sir but please respect the democratic process and voting majority as well. I hope we can all be open-minded to accept the results. May we become better citizens for a better government.

Jerald JumagIf you do this sir, you will never win the hearts of the majority of the Filipino people kung may balak kang tatakbo sa susunod na election. It’s better to be a good citizen. The people have already spoken and the rule of the democracy is that the majority wins.

Maria Isabel SagunYou will only divide the Filipinos. Your hatred won’t take you anywhere. God bless the Philippines.

Facebook Comments
Previous articleTANGGAL PREBILIHIYO!: Andrea Brillantes, aalisin bilang celebrity client ng isang salon dahil sa komento niya
Next articleITSAPUWERA NA?! ANDREA PAPALITAN NA ni KITTY DUTERTE Bilang Bagong ENDORSER