Home News ABS-CBN Artist Vice Ganda, suƙang-suka raw kay Juliana Segovia?

ABS-CBN Artist Vice Ganda, suƙang-suka raw kay Juliana Segovia?

15379
0

Ayon sa isang netizen, dinedma umano ni Unkabogable star Vice Ganda si Miss Q&A grand winner Juliana Parizcova Segovia sa naganap na coronation night ng Miss International Queen Philippines kamakailan.

Isa si Vice Ganda sa mga bigating stars na dumalo sa naganap na Miss International Queen Philippines coronation night noong Linggo sa SMX Convention Center, sa Pasay City.

Mapapansin din sa Facebook post ni Juliana ang kanyang pagdalo sa parehong event.

Ayon sa isang netizen, “sukang-suka” raw ang Unkabogable comedian kay Juliana. Maaalalang sumikat si Juliana sa segment na Miss Q&A, isang segment na pinangunahan ni Vice Ganda sa noontime show na “It’s Showtime.”

“Hindi pinansin sa coronation night ng MIQ Philippines,” dagdag ng netizen.

Naging kontrobersyal ang pagganap ni Juliana sa  kilalang serye ng “Kape Chronicles” ng direktor at manunulat na si Darryl Yap. Palag kasi ng mga Kakampink, patutsada ang mga ito kay Presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Kasama ni Juliana sa nasabing serye si Sen. Imee Marcos, kapatid ng karibal ni Robredo sa Palasyo na si dating senador Bongbong Marcos.

Hindi naman malinaw sa paskil ng netizen ang dahilan ng umano’y pagdedma kay Juliana sa coronation night.

Samantala, pinag-usapan din kamakailan ang agaw-eksenang white feathery gown ni Vice Ganda sa coronaton night ng MIQ.

Si Fuschia Ann Ravena ng Cebu City ang kinoronahang kauna-unahang Miss International Queen Philippines 2022.

Facebook Comments
Previous articleKris Aquino, piກuກa ang ‘red heart emoji’ ng kanyang follower
Next articlePanoorin: Pinas deliƙado sa Marcos presidency—Colmenares