Home News 3-Taong Gulang Na Bata, Nabul@g, Dahil Sa Kapab@yaan Ng Ospit@l

3-Taong Gulang Na Bata, Nabul@g, Dahil Sa Kapab@yaan Ng Ospit@l

16
0

Vir@l ngayon sa social media ang naging kapab@yaan ng isang Ospital na nagdulot ng pagk@bulag ng 2 mata ng isang 3 taong gulang na bata.

Ayon sa post ni Alona, isinilang na malusog at normal mula ulo hanggang paa ang kanyang pinakamamahal na anak. At hindi niya aakalain na nang dahil lang sa pag admit sa kanyang anak dahil sa s@kit na cellul1tis sa ospital ng Santa Rosa ay siyang mag dadala pala ng napakalaking kap@hamakan at pagsisimula ng isang napakas@kit na b@ngungot sa kanilang pamilya.

M@ling gamot

“Patawad anak, naipagkatiwala kita sa mga taong akala ko ililigt@s ka” 

Sa post ni Alona, nagkaroon ng kap@bayaan at kapalp@kan sa gamot na it1nurok sa kanyang anak. Ayon sa kanya, sa kabila nung una palang it1nurok ang naturang antib1otic ay nakitaan na ng all3rgic reaksyon sa bal@t ng bata. Ngunit hindi man lamang ipinatigil ng mga doctor ang patuloy na pagtuturok ng naturang gamot ng mga nurses sa kanyang anak. At kalaunan ay nagbunga ng sunog na sunog na balat ng kanyang inosenteng anak.

“Ang sabi niyo gamot ito na makakagaling sa cellul1tis at naniwala at nagtiwala ako sa inyo. Yun pala gamot pala ito para bul@gin nyo ang mata ng anak ko”:

 Sa patuloy na paglalahad ni Alona sa kanyang post, nang dahil sa m@ling gamot at kapabayaan ng mga doktor at nurses sa kanyang anak, nagkaroon ng Steven Johnson Syndrome ang bata. At masakit pa dito, di umanoy tinakpan pa nila ang totoong kalagayan ng anak habang naka-admit sa kanilang ospital.

Nalaman na lamang niya ang totoong kalagayan ng kanyang anak noong ipinatingin niya sa mga ibang doktor at mga espesyalista na may Steven Johnson Syndrome ang kanyang anak na nakuha umano sa gamot na itinuturok habang naka admit sa naturang ospital.

Patuloy siyang  humihingi ng tulong upang mabigyan ng karampatang hustisya ang nangyaring kapabayaan na nangyari sa kanyang anak. 

“Sana po sir Raffy Tulfo matulungan niyo po ang aking anak na mabigyan hustisya sa ginawang kapabayaaan ng hospital na ito”

Narito ang kabuang post:

#raffytulfo Naalala ko pa nuon, ikaw at ako na parang sa atin lamang umiikot ang mundo. Sobrang ligaya at saya natin. Sa umagang kay ganda… kay liwanag ng pagsikat ng araw naghahabulan tayo sa parke. Ang saya ng tawa mo at mga ngiti mo, wala kang takot pangamba sa bawa’t hakbang mo at tapak mo sa lupa. Habol habol mopa ang mga ibong nagkukumpulan at gamit mo rin ang mga mata mo para makita ang ganda, kulay ng paligid at ng mundo. Bilang isang ina at sa lahat ng ina alam natin lahat na ang ating mga anak at kaligtasan nila ang ating kayamanan na hindi mapapalitan kahit kailan pa man. Patawad anak, naipagkatiwala kita sa mga taong akala ko ililigtas ka nila, iyun pala sila ang tatapos ng maliligaya mong sandali at sisira at wawasak sa iyong kinabukasan. Maling hospital, maling mga doctor, maling mga nurses dito natapos at masisira ang liwanag ng iyong nakikita.Cellulitis… kung bakit kita naipagkatiwala sa kanila. Dito nila inumpisahan ang palpak at kapabayaang gamutan ng mga doctor at nurses na ito na bubulag sa dalawang mata mo. Sa skin test palang dapat masusing pinag-aralan na hindi na talaga pupwede pa ang antibiotic na itinurok sayo. Nag-react agad sa skin mo ang gamot na allergy ka ngunit walang mga doctor na nagpatigil sa mga nurses na ito na ihinto na ang antibiotic na ito. Bilang mga doctors at nurses kayo ang nakapag-aral sa medicina at hindi kayo inosente sa Steven Johnson Syndrome. Sa mga nakakabasa nito, opo tama po kayo Steven Johnson po ang ikinabulag ng anak kopo. Allergy sa gamot na antibiotic nila na itinurok sa anak kopo. Sunog na sunog na ang balat ng anak ko sa antibiotic na ito pero imbes na ipahinto ng mga doctors ang antibiotic na ito, ni isa sa inyong mga doctors wala kayong naging action. Ang sabi nyo sa ina gamot ito na makagagaling sa cellulitis at naniwala at nagtiwala ako sa inyo. Yun pala gamot pala ito para bulagin nyo ang mata ng anak ko. Matapos magkaroon NG SJS ang anak ko habang naka admit sa hospital nyo tinakpan nyo pa ang kapabayaan nyo. Imbes na ayusin nyo ang SJS na ginawa nyo sa anak ko inilihim nyo pa. At malalaman ko nalang sa ibang mga doctors, ganun rin sa pioneer doctors at mga especialistang doctors at sa maraming doctors na Steven Johnson Syndrome nakuha ng anak ko sa gamot na tinuturok nyo habang naka-admit. Walang mga doctors na umaksiyon para ipahinto na agad ang palpak na gamutan nyo bagkus matapos nyong makadisgrasya ng mata ng bata at mabulag nyo inilihim nyo pa sa magulang ng bata ang totoong resulta. At sa huli rin lalabas rin ang totoo sa mga test at biopsy na SJS mula sa kapabayaan ninyo kaya mula sa normal na mata ngayon bulag na ang dalawang mata ng bata. Kung sa anak nyo mangyari ito mga doctors hindi ninyo ba bibigyan ng hustisya ang anak nyong binulag ng kapabayaan ng mga taong ginagalang at pinagkatiwalaan natin ng buhay ng mga minamahal nating anak. Sana po may maawa po sa anak kopo na tulungan mabigyan ng hustisya ang dalawang matang binulag ng Private Hospital na ito.Salamat po.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here