Home News National 2 Pulis na namahagi ng relief goods, Nakapagligtas ng 2...

2 Pulis na namahagi ng relief goods, Nakapagligtas ng 2 batang muntik ng malunod sa tubig

31
0

Dahil sa maagap na pagresponde ng dalawang miyembro ng PNP Tuguegarao na sina PCpl Edgar Pizarro and PCpl Rominick Andal, nailigtas ang dalawang batang babaeng nalulunod sa bahagi ng Brgy. Annafunan, Tuguegarao City (Core Shelter) kahapon.

Ang grupo ng PNP Tuguegarao ay napadaan lamang pagkatapos namahagi ng relief goods nang makita ang nasabing insidente.

Agad namang sumuong sa tubig ang nasabing dalawang pulis.

Narito pa ang ibang larawang sa pangyayari:

Samantala, Inalerto ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) region 2 ang mga mamamayang nakatira sa mga mabababang lugar sa banta ng pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na ulang dala ng Low Pressure Area.

Ayon kay Engr. Ranshelle Joy Parcon ng PAGASA, maaring maranasan ang mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan sa Cagayan at Isabela sa loob ng 48 oras, samanatalang mahinang ulan naman ang mararansan sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Aniya, ang mga nakatira sa tabing ilog at mga bahaing lugar maging ang mga nasa bulubunduking bahagi ay manatiling mapagmatyag at naka-alerto sa maaring idudulot na pagbaha at pagguho ng lupa ng tuluy-tuloy na buhos ng ulan.

Source: PIA Region 2

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here